AALIYAH

AKO AT ANG AKING ANAK. Ako'y lubos na humahanga't labis ang aking katuwaan nang makita ko ang iyong gawa. Hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal, lagpas pa kung nasaan ang mga tala. Iyo ang aming buong suporta sa iyong pagpipinta't hanggang sa susunod mong karangalan na makakamtan pa. Maraming, maraming salamat sa Kanya. 

My daughter Aaliyah won the first prize in the painting contest of Martin Luther in Bayern. Congratulations, anak! Source: Rathaus Journal, Stadt Bamberg Nr. 10/2017, 05/05/2017


THE WINNING AMAZING PIECE. Her painting of Martin Luther is hanging on the wall of Mayor's Office in Bamberg. 

Congratulations too to the other (2) winners. Your families are surely proud of those students too. Those are really amazing paintings. 


dekada 90’s at sa Jordan ko sila nakilala
sa lungsod ng Amman ay doon ko sila nakita
mga batang bedouin at namamalimos sila
"ana jaw'aan" siya'y gutom at madungis pa

nakakaawa ang hitsura ng mga yagit na bata
mga payat at malamlam ang kanilang mga mata
naisip ko rin saan kayang lupalop "ana mafi kalam" sila nakatira
ang lugar na ito'y malapit sa "souq" at pasyalan ng mga turista

nakipagbuno ako sa mga bagong dating na US Navy sa Aqaba
ladies first! ang aking sigaw upang makakain lamang ng Greenwich pizza
"habibi" nakarating ako sa Wadi Rum Dead Sea Mt.Nebo at Petra
kumain ng adobong kangkong doon sa lugar ng Pinoy sa "Manila"

binigyan ko ang bata ng ilang fils at ito'y mga barya
shukran” salamat! kulot ang buhok niya't nakakatuwa
iyong pinakamaliit na walad ako pa'y hinihila
hindi pwede “ana mafi ro” hindi ako sasama

kinabukasan nga pagkatapos ng aking umagahan
paglabas ko ng hotel at iyong maliit ay nakaabang
sabi niya ang "Mama" niya'y gusto akong makilanlan
doon may itinuturo "fen ro" saan kaya't aking tinitingnan

sa malawak na disyerto ng Sahara at kapag may sandstorm ay nakakapuwing
"walang maliit na hindi nakakapuwing" isang kasabihan natin at tunay kung ituring
"Open Sesame" at si Ali Baba nga ba'y magnanakaw at ang lampara'y ibiling
lalabas ang genie at ang "sadik" ni Aladdin at hindi ang belly dancer gaya ng iyong hiling

mainit talaga't sa hindi nga kalayuan kami'y naglakad sa disyerto
ang pinakamaliit na walad ay hawak-hawak pa ang kamay ko
may isang babaeng naka abaya at sa may tent ay nakatayo
"marhaba" ang bati niya sa akin at kinamayan niya ako

"taal!" sa loob ay kumakain sila ng "kubus" at aba! may shisha
inalok ako ng tsaa ng babaeng naka abaya at ang kanilang "Mama"
napagkilanlan ko ang kanyang pangalan din ay kahali-halina
napagmasdan ko ang maliliit niyang kamay ay puno ng henna

inalis niya ang kanyang "tarha" at maganda ang kanyang mukha
makikislap ang brown niyang mga mata't kay hahaba ng pilik-mata
kinuha niya ang aking mga kamay at ang aking palad ay binabasa?
"Mariam"ang tawag niya sa akin at sabay turo sa langit O bakit kaya?

ang babaeng naka abaya ay may sinabi sa akin at malalim "ana arif" at akin lamang
isang kamangha-mangha't higit pa sa isang bulong at hindi isang paratang
mayroon ba siyang galing na hinugot sa kung saan at ang lahat ay hindi sumemplang
galing kay Allah at ako'y biniyayaan ng isang "tala" at siya'y isang magandang nilalang

PROUD NA PROUD ang buong pamilya. Ang ama'y napatulala at si bunso'y masayang masaya. 

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat