HAPPY CHINESE NEW YEAR

may you have good fortune magcrack ka ng fortune cookie
nagpapatahi pa nga raw sila ng mga damit sa sastre
kailangang din daw ay bagong gupit pula ang kolorete
buksan din ang pinto't mga bintana papasukin ang swerte

ipinagdiriwang ng buong mundo basta't may Chinatown
silang mga negosyanteng Intsik sa ating funky town
sa Ongpin ang ligaya samu't sari ang mga tindahan
ang tikoy ang pinakapamoso't lahat ay gustong matikman

naglipana roon ang mga kainan ng mami at siopao
dati rati ay madalas ako doon nung ako'y nasa kolehiyo
nakabili pa nga ako ng 99 pesos na hikaw mababang ginto
walang timbang ga-blade ang nipis nahulog ata sa anidoro

madaming namamasyal at nagpapatay din lang ng oras
maingay na sa kalsada ang mga tao'y nag-aapurang lumabas
dumarating na kasi ang sumasayaw na dragon at nagpapalabas
may mga kwitis na kasunod para itaboy daw ang malas

mabalik tayo sa fortune cookie napanood ko rin kasi sa Iron Man 3
sabi ni Mandarin tunog Intsik hindi naman talaga Intsik ang fortune cookie
si Mandarin ay pekeng terrorist isang tsipipay na stage actor sa movie
imbesyon ito ng mga Amerikano kaya mababaw masama ang lasa iyan ang sabi

naalala ko tuloy si Mr.Sy laging nakasuot ng puting sando dati
suki niya si Nanay may puwesto siya sa palengke ng Pasig
nagbebenta siya ng lahat butones bag laruan tela man o panty
barok siyang mag Tagalog laging nagpapautang at nakangiti

kamakailan lang ang 50 ft. dinosaur dragon ay nadiskubre sa Tsina
kung napanood mo iyong The Land Before Time ganun ang hitsura
napakahaba ng leeg katulad mong nagkakandahaba sa pangongopya
bukod pa riyan ay kasabihan ito sa mga taong UZI usisero't usisera

napagkamalan daw na dragon ito ng mga Intsik na magsasaka
ang natagpuan lang ay ulo mahabang katawan buntot wala ng iba
wala silang nakitang mga bakas ng mga kamay at mga paa
hindi kaya't napulbos o tinangay ng hangin sa ibang parte ng Asya

kung minsan ang babae'y naihahalintulad kung makasinghal ay parang dragon
sa sobrang galit ang mata'y nanlilisik lumalaki ang mga butas ng ilong
nanggagalaiti parang si Bella Flores napanood mo rin ba siya noon
nakakasindak at kasuklam-suklam siyang kontrabida ng kanyang panahon

ang mga Intsik sa Pinas kung minsan ang bansag ay Tsekwa kung tawagin
silang mga kaibigan ni Jboy isang DJ sa Angelina's bar ay masasayahin
ang pinakamayamang Pinoy ay si Henry Sy at Gng.Cory ay ating alalahanin
ang SM ay paboritong pasyalan palamigan at tambayan ng walang gawain

ang aking pinakamakulit na kliyente sa Dubai ay si Mr. Chan laging nakangiti
pinabalik-balik niya ako sa kanyang opisina hanggang makuha ko rin sa huli
sa harap ng ibang Tsekwa hiningan niya ako ng autograph seryoso siya pramis
kahawig ko raw kasi iyong paborito niyang aktres sa Hongkong natuwa ako ng labis

taong 2012 nag stopover kami sa Heathrow airport doon pala ay mahigpit
sa unahan ko'y si Tsekwa nagrereklamo habang nilalabas ang lahat ng kanyang gamit
tinanggihan kasi ang pampasalubong niyang exotic foods katulad ng spicy chicken feet
nanghinayang din ako kung maaaari lang sambutin this is insane sabay irap niya kay Brit


KUNG HEI FAT CHOI! MAY YOU HAVE GOOD FORTUNE.


Sana'y ambunin tayong lahat ng suwerte. 
YOU CAN BUY MY #EBIGAN BOOK HERE

My friend Jboy with his friends@Angelina's Bar, China



Carrefour, China

My dear friend Xi with her family in Germany.





Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat