BLIND DATE WITH MACGYVER


ipinakilala siya sa iyo ng nobyo ng dating bestfriend mo
para ka kasing buntot nila't "three is a crowd" at sigurado
panahon na para ikaw din daw ay magkaroon ng "date"
sabi nga nila it is about time may ipapakilala sila as your "blind date"

unang pagkikita ninyong dalawa'y medyo pakipot ka't nahihiya ka pa
matipid siyang magsalita't napansin mo agad ang dimples niya
mahilig daw siya sa sports at hmmm ang bango naman niya
siya'y long haired at bagong ahit at ang galing ng kanyang porma

nabighani ka agad at kamukha siya ni MacGyver at iyong paborito
prangka siya't ayaw niya lang makipagkwentuhan sa iyo
kung gusto mo siya e di gusto ka rin niya
o di ba mabilis kayong nadevelop na dalawa

good for you "MacGyver" is a perfect lover
kapag kasama mo siya'y you feel better 
tinuruan ka niyang maglaro ng squash at siya'y superb
umaasa kang kayo'y magtatagal at you are a believer

ngunit sinubok kayo ng mapaglarong tadhana
nagbusy ka sa trabaho at hindi ka niya nakakasama
isang linggong mahigit din iyon at akala mo'y nauunawaan nya
basta lagi kayong nag-uusap sa telepono't hanggang doon lang muna

sa susunod na pagkakataon ay muli kayong nagkasama
ganun na lang ang iyong pananabik ngunit hindi ng gwardya
"mam, pasensya na iyang nobyo mo'y nung isang gabi'y may ibang babaeng kasama"
"salamat" iyong nasabi't nakangiti ka pa rin kahit kinapos ka ng hininga

pagdating sa bahay ni "MacGyver" ay nag-iba na ang iyong pakiramdam
nakita mo iyong mga kasambahay niya't parang nagulantang
unexpected ka't laking gulat na lang nila ng ikaw ay makita
sinabi mong "don't worry, I just came to say goodbye"

goodbye!?? at para siyang tinik sa lalamunan sa sobrang sakit
isang gabi sa bar ay nag-uwi sya ng bebot at kanyang hinanakit
nakita siya ng gwardya't kanyang mga kasambahay
nangulila daw siya sa iyo at ikaw pa ang nasisi aray!

nasuntok mo yata siya sa galit at napaiyak mo rin siya
sa sandaling iyon gusto mo na rin umuwi't maglakad ng mag-isa
Oktubre na rin at wala ng dahilan para kayo'y magpatuloy
adios! ito na ang una't huli hindi ka na sa kanya magpapadenggoy

kinabukasan naman ay tumawag ang iyong nars na kaibigan
"nandito si "MacGyver" at mukhang masama ang kalagayan"
nagsusuka raw at ang nasabi mo'y lasunin agad at turukan
ayaw mo na siyang makita't siya na'y iyong kinamumuhian

ilang oras pa'y pinuntahan ka niya sa iyong opisina
"I'm so sick!" at looking haggard at nagpapaawa ba siya
"I'm sorry I can't do this anymore" ang sabi mo sa kanya
iyon lang at naglakad ka na palayo't hindi na lumingon pa

dumating ang Disyembre't nakatanggap ka ng mga rosas galing sa kanya
labing walong rosas ang ibig sabihin ba'y naniningalang pugad muli siya
ngunit ikaw ay parang namanhid at hindi mo na rin binigyan ng importansiya
"blind date" noon at ngayo'y ayaw mong magbulag-bulagan kahit hindi ka masaya 

binigyan ko si "MacGyver" dati-rati ng isang malaking painting 
isang babaeng nakatakip ang mukha't bilang ala-ala ng aming first meeting
hindi ko lang alam kung nasa kanya pa rin ito't isang palaisipan sa akin
siya ngayo'y may asawa na rin at kasalukuyang maligaya sa kanyang piling

For P.H.


Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat