WHAT'S UP DOC?

o kay agang magising ng aking bunso
di ba't walang pasok ngayon at Sabado
isa akong zombie tayu-tayo pa ang buhok ko
Mama bilis at nagmamadali si bunsong tumakbo

napadako ang aking tingin sa labas at may bagyo
umuulan kasi ng yelo puting-puti na ang aming patio
ang medyas ko'y puno ng karot may butas parang lungga ito
binuksan ko ang tv at Sofia die Erste ang kanyang paborito

si Sofia ay batang prinsesa't may alagang kuneho
ang pangalan ay Clover nuknukan ng kyut at bibong-bibo
sila'y laging magkasama at para silang kambal tuko
si Clover ay di hayop na alagain siya' y kaibigang totoo

naaalala ng aking bunso ang alagang kuneho ng aming kapitbahay
si Tinka ay isang maputi at malakas kumain ng iba't-ibang gulay
tuwing hapon ang aking bunso ay sinisilip si Tinka sa labas ng bahay
nung Disyembre lamang marahil kasi'y nag-iisa si Tinka'y biglaang namatay

umiiyak ang bata kapag tinawag na kuneho nung aking kapanahunan
haha mayroon siyang dalawang malaking ngipin lamang sa harapan
ang ating pabula ng pagong at kuneho ay inyo pa bang natatandaan
ang matiyagang pagong at ang hambog na kuneho'y natalo sa labanan

ang ating simpleng pabula ay may isang aral isang leksyon
ang pagsisikap sa huli'y may biyaya't may magandang koleksyon
sa tugtog ng Looney Tunes ang nangungutya sa kapwa'y walang misyon
kapupulutan ng aral ng patalun-talon na mga bata at umuusad na nasyon

sa Pinas si Pope Francis ay hindi rin nakaligtas sa kuwento ng kuneho
siya ay kasalukuyang tinutuligsa sa kanyang ginawang ehemplo
tayo raw mga Katoliko ay hindi dapat magparami katulad ng kuneho
marami ang umalmang mga breeders ang kataga raw ng Papa ay di wasto

SA AKING PALAGAY ang kuneho'y isang simbolo sa talumpati ng Papa
ang mga Pinoy ay dapat maging responsable sa pagpapalaki ng pamilya
ang kuneho ay maamo't mabait palakaibigan sa lahat sa kanyang mga mata
hindi ko naman maaatim kung sa bulati o daga ikkk ang Pinoy ay ikumpara

tama na nga sa usaping Bugs Bunny tapusin ang pagiging pilosopo't sensitibo
ang Pilipinas ay may mas mabigat na suliranin higit pa sa timbang ng milyong kuneho
dito sa Alemanya ay nakakain din ako sa wakas ng isang putahe ng kuneho
sa una Andok ako'y asiwa inisip ko na lang Baliwag siya'y manok na prito!

THAT'S ALL FOLKS!


We see the bright side of life with our bunnies,our children.
 Approved by Pope Francis.

YOU CAN BUY MY #EBIGAN BOOK HERE



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat