OOH LA LA ADELINA!

Happy Birthday, Tita Adel! With love & kisses.
Tita Adel and Tita Myrna (her youngest sister from London) are holding a copy of Aura Elite Magazine where I'm a regular contributor in London for the same blog title.


tumabi kayo Queen Latifah at Queen Bey siya rin ay reyna
sa malaking bayan ng La La Land ay namamayagpag siya
lagi siyang nakangiti at kung minsan pa ay nagpapatawa
madami siyang kaibigan kung kaya't siya ay kilalang-kilala 

hindi rin siya Mayor ng Pateros ngunit palaging pinagkakaguluhan
siya ay galing sa lahi ng Custodio siya ay madaling pakisamahan
ang kanyang mga kapatid at pamangkin ay lagi siyang pinag-aagawan
siya ay si Mother Goose ang kanyang mga inakay ay lagi siyang sinusundan

ang kanyang mga mata'y talagang singkit ang kilay ay di isang guhit
kamukha siyang totoo ni Tatang Pedro ang kanilang sex appeal ay malupit
ngunit kung minsan siya ay parang dragon at masamang nagagalit
nanlalalaki ang kanyang mga mata nagiging kamukha siyang bigla ni Boy Pangit

kung minsan ay tinatawag siyang Donya Buding
marahil kasi siya ay groovy at laging naka-sputing
naglalakihan dati ang kanyang choker malakas ang dating
minsan ay napapalamutian siya ng ginto't nakakaduling

ang ating Super Woman ay matapang at malakas ang loob
madami kaming saksi sa kanyang pagmamagandang loob
walang makating balakubak ang nakapanghina ng kanyang loob
alam niyang makisayaw kahit sa mga masasamang loob

may hawig kay Jessica Soho at mahilig din magbasa ng komiks
hindi pahuhuli sa pag-aarkila dati ng VHS biglang maghihilik
ang kanyang paborito ay action at horror basta't nakakahindik
nakatulog na sa sofa habang kami ay nag-eenjoy sa cola't kornik

alam nyo bang si Mama Mia ay napakasarap din magluto
ang kanyang luto ay parang may gayuma walang pang-uuto
mahilig siya sa masasarap na pagkain kami ay PG at TL sa mga ito
o ang pancit canton sinigang na baboy kare-kare at menudo

siya ay aming barangay sumbungan at tagapagtanggol
kaming naaapi nasasapak nasasampal at nadudunggol
ayaw na ayaw niyang kami ay makikitang humahagulgol
sumusugod sa kalaban takbo na't siya talaga ay humahabol

ako ay naging mapalad at ako ay naging espesyal din sa kanya
siya ay hindi lamang aking tiya siya rin ay parang aking ina
siya ay aking fairy godmother adviser at marami pang iba 
hindi ko iyon nakakalimutan at habambuhay kong tatanawin pa

ang aking tinutukoy ay ang aking mapagmahal na tiyang si Adelina 
sa disisiyete ay kanyang maligayang kaarawan ito ay alay ko sa kanya
siya ay talagang natatangi at may mahaba siyang daliri sa paa
siya ay totoong tao dakilang ina mabuting kapatid mabuhay ka tita!

YOU CAN BUY MY #EBIGAN BOOK HERE





Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat