COLOR US GREEN, 2015!

ayoko na!ayoko na talaga!
peksman hinding-hindi na!
hindi na mauulit sumpa man
lalayo na ako at aking iiwasan

hinding-hindi na nga raw mauulit
lagi namang sumasama kapag kinukulit
magdamagang inuman sa anidoro nakagitgit
nagtatawag ng uwak aruy ang ulo'y masakit

kalokohan hindi ka na magbabago
taon-taon iyan din ang sinasabi mo
nakailang presidente na kaya tayo
si Pacquiao din ay nakailan ng panalo

bakit kaya madaling isipin kung tutuusin
parang kay dali lamang itong sundin
nakasanayan sa loob ng isang taon gawin
kapag nagbago ba ng taon dapat may baguhin

siguradong hindi na ako basta gagastos
hindi na magsusukat ng mga sapatos
mag-iipon na ako't hindi na padalos-dalos
ang uso'y magtipid at hindi iyon malalaos

dapat lamang bagong taon bagong anyo
bagay kaya sa akin ang gupit ni Kris Aquino
iiwas na akong makipagkaibigan sa B.I na tao
dapat laging mapagkumbaba sa lahat ng manloloko

paano naman ako makakapagdiyeta nito
kung panay ang luto ko ng pagkaing Pilipino
may paksiw na bangus ginisang pechay at adobo
pritong tilapia ginisang munggo at relyeno

nakakita na rin ako ng taong nagtagumpay
success ang kanyang pagbabagong buhay
umiwas na siya sa droga at sa mga tambay
sayang nga lang at maaga siyang namatay

kow wag kang maniniwala sa kanyang pangako
ilang beses na bang ang pangako niya'y napapako
hindi na raw siya mambababae at pupunta sa biglang liko
bulaan na tao nakita ko siya ang babae'y kapit tuko

ang ibig sabihin kasi madami ang di nakakaintindi
mas masaya raw maging bad kaysa magpakabuti
gusto ko ng yosi ayoko lang sumipsip ng kendi
gusto kong mag party hanggang umaga di ako promdi

ang pinoy ay ningas-kugon sa umpisa lamang daw magaling
pinanghihinaan ng loob lalo na't kung wala kahit isang kusing
konting push pa raw at tuluy-tuloy na ang pagbabagong puri
ang disiplina ay nasa may katawan ang katwiran ay paisang tabi

ginagalang ko ang opinyon ng nakakarami
ang resolusyon ay pagbabago sa ating sarili
marami ang nakakalagpas kawawa rin ang hindi
bagong taon bagong pag-asa bagong 2015 yippee!

HAPPY NEW YEAR FOLKS!


Green is the lucky color of 2015. Just got lucky.
YOU CAN BUY MY #EBIGAN BOOK HERE

Happy New Year from Tita Adel, Ate Lou & Tita Myrna. 
"We remain positive,generous and lovable to our families and friends."
"We wish for more precious time to spend together next year."

Manigong Bagong Taon nagmumula sa pamilya ni Ena Avila.
"Kami ay mananatiling kalog ngunit mapagkumbaba. Bow!"


Manigong Bagong Taon nagmumula sa pamilya ni Vic Medrano Matundan.
"Sadyang hindi sinuot ni Tatay ang pustiso nya at mas kyut daw sya!"
"Lagi naming aalalahanin ang magaganda at masasayang ala-alang naiwan ni Tatay."



Manigong Bagong Taon nagmumula kay  Luisa Alamon at Nini.
"Iiwasan ko ng maging balat sibuyas. Promise!"
Happy New Year from Tito Ron & Tita Ellie Amador. Let us welcome this New Year with smiles on our faces and hopes that God heals Ron for the best. 
"God have mercy on us."

Happy New Year from Lisa Segovia Cancel & Family. 
The family that prays together stays together.
"Enjoy the sweet presence of your loved family besides you always."


Happy New Year from Oliver Palma & Family. I would like to start my own business,create more income,be more compassionate and patient. A New Year’s Song by edan oliver

Out with the old, in with the new
It’s the same ancient story we always were told
A new lease on life with old vows to renew
It’s a book of new adventures we can’t wait to unfold

This New Year has come, the old has bid adieu
It’s a season full of things we hope have never been
A moment to reflect about which goals to pursue
It’s the courage to press on and face the unforeseen

Adieu to the old, Ciao to the new
Let’s stop procrastinating and be proactive and bold
A moment to regret the things we didn’t do
Let’s claim those dreams we know would change our world

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat