THOSE THREE LITTLE WORDS


AM I REAL?
BUY MY #EBIGAN BOOK HERE




"babae hinugot ka lang sa aking tadyang" ang wika ni Adan
iyon ang panahon na tayo'y hubad at nagkaroon ng kasalanan
kung sila ay taga Tsina'y malamang kinain nila ang ahas uy! joke lang
mansanas na pula't mansanas na hugis puso O tayo'y maglibang

Panga tuwang-tuwa ang magulang mo nang isilang ka sa mundo
matitigas ang iyong buto't tinuruan ka ng boksing ng tatay Freddy mo
hindi niya akalain na ikaw ang gawing punching bag ng iyong nobyo
Megan este #Fbigan sinungaling ang puso't pagbayarin ang abusado

Ako'y nag-iisa't nahawi nga ang mga nagsasayaw sa aking harapan
King and Queen of Hearts ang tugtog sa JS prom O hindi't ako'y nasaktan
kitang-kita ko kayo't magkahawak kamay at iyan ba ang iyong napupusuan
maputi lamang at ang pata'y mukhang pamalo ng dalag hmp! sarap irapan 

Gaano kadalas ang minsan? magtitiyaga sa binibigay niyang oras
bisi sya sa trabaho't binibigay lahat ng gusto mo't huwag kang lalabas
hindi ka man habulin ng mga aso ngunit ang mga tao't ikaw ay tsinitsismis
kahawig lang siya ni Derek ngunit ikaw ay hindi anghel sa kanyang Misis

Isa kang huwaran at isa kang matinong babae't ikaw nga'y iniidolo
kung bakit naaadik ka sa isang bad boy at siya'y iyong gustung-gusto
para siyang si Robin kung makatitig at naku! mukha siyang barumbado
maangas ang dating ngunit palulupig ka sa kanyang mga yakap Oh no!

Bueno ang lalaking pogi'y laging nang-iiwan at iyan ang sabi ni Andrew who?
humanap ka raw ng panget at hindi ka iiwan daw-ng agad-agad huhu!
kung minsan kung sino ang panget ay siyang madaming tsiks da who?
iniwan ka man ni pogi na naging tapat at nagsusuot ng T-back OMG shoo!

Ikaw at siya'y sadyang magkaiba para kayong kape't gatas
"Bobby hindi tayo bagay baboy ka eh!" sabi ni Becky na pakitang gilas
mas madami ka bang nakain na meatloaf e hindi nga kayo patas
ikaw ay negatibo't siya'y positibo't opposites attract! let's go bananas! 

Good old days at ang lahat ay may kanya-kanyang kuwento ng pag-ibig 
nagsimula sa pacrush-crush hangga't dumami ang kanyang mga tigidig
hindi makakain at hindi makatulog at ang mga oras ay nagkukulang sa kakakilig
hindi makakalimot sa lahat ng firsts lalung-lalo na sa unang tibok ng pag-ibig




One of my fave Pinoy bands. Unforgettable!



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat