"THE MODERN GABRIELA"

ipapaisang tabi ko muna ang aking magandang pinag-aralan
ganun na rin ang kabutihang asal itinuro sa akin at kinagisnan
sana kami ay nasa Pateros ipinain ko siya sa aking mga pinsan
tingnan ko lang lalaking bastos kung ikaw pa ay mapagkikilanlan

sa umpisa akala ko ay isa siyang babae isang kabarong Pinay

tinanggap ko bilang kaibigan walang akong kamalay-malay
kinalaunan lumabas din ang totoo niyang maitim na kulay
isa siyang lalaking humahabol sa bawat kaibigang Pinay

kinahiyaan ko ng tanggalin sa aming bagong grupo 

at ang kanyang nobya ay sa akin pa ay namumupo
maayos naman ang kanyang nobya sa pakikitungo
kung bakit bumagsak siya sa isang lintik na damuho!

ang madalas naming pag-usapan ay ang aking negosyo

nagpakilala ng iba kunwari pa siya ay talagang interesado
ngunit paunti-unti parang may laman na ang kanyang biro
hindi na nakakatawa pinagkibit-balikat ko na lamang ito

kahapon lamang ako ay may inalok muli sa kanya

sigurado kong matutuwa sa kanya ang kanyang nobya
binigyan ko siya ng ideya para ang babae ay masorpresa
inalok ko ng maayos akala ko ay ikatutuwa ko ang sagot niya

sinagot ako na mayroon siyang "bagay" binibigay sa kanyang nobya

isang "bagay" na labis sa kanyang nobya ay nakakapagpasaya
katunayan dahil sa "bagay" na iyon ang nobya ay sumisigaw pa
ang nobya rin ay napapatili at naku!labis ika ang pag-iingay niya!

hindi ako ipinanganak kahapon o sa kapanahunan ni Paraluman,

alam ko ang kanyang tinutukoy para sa akin ay isang kabastusan,
ako ay Pinay ganun din ang kanyang nobya ito ay isang kabaliwan,
wala siyang respeto sa kabaro ko at sa kalahi ko isang kahalayan!

sumagot ako sa kanya nang alam kong tama at angkop lamang

sinabi kong respeto ang dapat niyang ibigay higit na kailangan
kung siya ay maginoong dayuhan alam niya ang dapat katayuan
kami ay babaeng Pilipina hindi kami babaeng baka sa bakahan!

nagalit siya ng labis tinawag akong isang "gold digger" bwahaha!

naghahanap daw ako ng ibang lalaki sino?siya ba?pwe!bwahaha!
sinapian siya ng dimonyo hindi naman niya ako personal na kilala
siya ay isang baliw hangal at halatang may motibo't nangungursunada!

naalala ko tuloy ang istorya ng stalker ni Rihanna kung hindi nyo alam,

may pagkakahawig kasi ang pagtawag ng b**** walang kaagam-agam,
pilit na nilalapit ang mga sarili close o m.u.na kami ng hindi namin alam,
hindi nila makuha ang gusto sila ay mga pangahas at kasuklam-suklam.

sobra ang aking galit at siya ay aking tinabla sa fb at sa aming samahan

subalit ano siya pa rin ay nagpipilit ginagamit ang ibang account naman!
nagdidilim ang aking paningin at mayroon pa akong limang taong ganyan
sila ay mga stalkers mga obsessed galing Mars o salat sa katotohanan!

hindi ako natatakot sa kanya at kahit anong mangyari ako ay lalaban

hindi niya ako kilala ipapakilala ko kung sino si Gabriela walang atrasan
isang pang-iinsulto at pang-aabuso sa aking pagkatao isang katiyakan
isang-isa na lang magkapit-bahay lang tayo ng bansa doon kita uupakan

JudaS not pay!!! 



"Ang sundalong nasusugatan ay lalong tumatapang."
YOU CAN BUY MY #EBIGAN BOOK HERE

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat