NO MONKEY BUSINESS

"I am on my way!" na naman! ang sabi ni tandang Abbas
ang aming sponsor ng kumpanya't hindi naman maangas
alas nuwebe ang usapan laging atrasado dumarating sa oras
naku! kagigising lang malalasing ako sa kapeng walang gatas

kapag kaharap mo na siya'y mahina ang kanyang konsentrasyon

magsasalita lang ako ng ilang minuto siya naman ay sa iba nakatuon
dala-dalawa ang telepono sabay-sabay siyang nakikipag-usap doon
"sir, what happens now?" hays hindi na nagbago siya'y ganyan taon-taon

kakaiba naman ang pinsan niyang si Jawad ang aming P.R.O. alam!

hihingal-hingal na't diabetic pa mukhang pera't mahilig  pa sa gudtaym
minsan nerbiyoso't pero alak ang kanyang hiling sa kanyang kaarawan
umattend ako ng party niya sa President bumaha ng alak, babae't pulutan

Sy champoy siyempre kahit konti lang ang tubo

ganito raw ang presyo pwede pang bumaba ito
libre ang mami't ibibigay ang lahat ng kailangan mo
basta ikaw suki ikaw ay kaibigan na niyang totoo

"Maria, heto ang kaibigan ko personal ko siyang kilala"

good!siya nga ba't siguradong bibili ng aking paninda
naku! nalaman ko dong mabagsik pa sa mina ng bomba
ang kliyente niya'y peke nagkalat pa ng virus sa email niya

salungat sa nakamotor na Singh nagpapa 5-6 sa atin sa palengke

sa mundo ng kalakalan sila'y madami laksa-laksang mga elepante
mahirap minsan ispelengin "pls. respect Madam" sumagot raw ako ng simple
"do you like my protect Madam" nagustuhan ko ba raw ang produkto pwede!

humanga akong minsan at matatas siyang mag-Ingles
puro naman siya pangako madaming dahilan kapag Biyernes
lumipas na ang Eid, Urdu festival, ang baha, ano pang senyales?
napatay doon si "BL" nakita ko si lolo humihitit ng hash miserables!

taong 2007 nagsimula sa buhangin natapos na ng maluwalhati

hanggang ngayon hindi tapos ang bayad naluluma na ang gusali
sangkatutak na problema nang dahil sa kanila ako'y nasisisi
mabuti pa ang paso'y may lupa e bakit kaya wala silang lupang sarili?

may hitsura naman siya't malaking tao hindi makatingin ng diretso

mataas ang kanyang puwesto sa trabaho hindi ako sa kanya interesado
may napag-alaman kasi ako ang kanyang modus operandi ay nabisto
"tschuss" namemersonal mabuti't nakilala ko ang tunay niyang pagkatao

waka,waka,naumpisahan ko na sa kanilang market ay pumasok
akala ko ay naka jackpot na at wala ng iitim pa sa kanilang usok
hindi ko maintindihan bakit mahina ang signal sa kanilang pook
napakabagal ng kalakaran mabuti pa ang kanilang safari ay mapusok

dati rati ako ay may stalker grabee! hindi naman ako si Ruffa

parteng Asya at Europa siya'y tuso at halang ang kaluluwa
nagtanong ng madaming makina tinabla ko't hindi naman bibili pala
nag-iiba ng pangalan at address siya pa ang galit at nagbanta pa!

sila lang ang ilan sa aking mga masusugid na kliyente

nahulaan nyo ba ang kanilang lahi sila'y iba't-ibang klase
ang iba'y mas eksperto na sa kalakalan ako ang komedyante
"just dance!" "sayawan" ko na lang ganyan ang buhay-negosyante



"All work and no play makes me a dull girl."
YOU CAN BUY MY #EBIGAN HERE

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat