" A LITTLE BIT OF THIS AND THAT"

nakaupo nga akong muli sa aking opisina,
nakikinig sa Earbits sa tugtugin ni Yatra,
masarap pakinggan swabe sa aking panlasa,
nagigising ang aking diwa naglalakbay siya.

ho!ho!ho! o hu!hu!hu!ba ang nabanggit sa kanta?
malapit na rin kasi ang Pasko't  Setyembre na,
masakit din nasaktan ang daliri sa aking paa,
naipit sa kaiikot ng gamit sa bahay hala larga.

pinagmamasdan ko ang mga litrato sa aking harapan,
ganito ang uso ginupit ko sa magazines ang ilan,
kakaibang estilo ang hilig ko ay hindi pangkaraniwan,
minsan ako ay rock o grunge depende sa pupuntahan. 

nakikinig na nga ako sa The Green "Gotta Be",
dapat daw maging matapang sa pag-ibig baby,
lalo na raw sa pagmamahal sa pamillya lagi-lagi,
pigang-piga na parang niyog kaiisip din gabi-gabi.

sabay hawi sa aking basang buhok Schauma ang gamit ko,
ayos ang bagong shampoo kulay pula ang paborito ko,
biglang ako ay napangiti tuloy halakhak kahit mag-isa ako,
nakakita kasi ako ng microwave sa catalogue na binabasa ko.

listen! "Happy by Cousin Cole" tugtuging reggae c'mon yeah!
naalala ko bigla si Greta iyong dati kong sekretarya ang saya!
minsan pagbalik namin sa opisina may nasusunog at malansa,
sige ang kanyang paypay "pasensiya na Madam" ang sabi niya.

susmaryahosep!umuusok ang microwave ano ba ang nangyari?
nag-init daw siya ng baon niyang daing nasunog aruy! amoy kadiri,
namula ang aking asawa "pls. give her 30 dirhams" at bakit?hihihi!
akala ni mister kumakain siya ng panis grabe kasi ang amoy matindi!

ay! mukhang uulan na nasaan kaya si Shameem yayayain kong mag-tsaa,
sinama ko dati sa Starbuck's hindi pala umiinom ng kape kawawang Pana,
tinawagan ako sa telepono humihingal takot na takot at sasapakin daw siya,
"f*ck u!"ang sabi niya sa aking Pinoy crane operator hahaha!hinabol tuloy siya.

sige na at may kumakatok sa pinto sino kaya?malamang ang kapitbahay ko,
mag-aabot ng susi saan gagamitin sa kaban ng pera siya!lagi kasi walang tao,
buti pa ang pera may tao!miss ko ng maghalungkat sa Divi maglakad sa Recto,
ganitong panahon pagala-gala ako dati sa Avenida isang daang piso nakapulot ako.

walang hanggang paalamanan hindi kasi ang Pinoy maubusan ng pag-uusapan,
paano naman iyong napadaan lang daw hanggang nakaalis na ng gabihan,
ang galing ng kanyang tayming manghihiram ng suka sa oras ng pananghalian
halika na't kumain may tinapa at nilagang talbos ng kamote ating pagsaluhan.

Because I am happy!
YOU CAN BUY MY #EBIGAN BOOK HERE


Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat