JOIN ME IN MY HOT TUB

sino'ng mag-aakalang pagkaraan nga ng apat na taon
nakita mo siya ulit ang iyong dating mega-inspirasyon
hindi ka maaaring magkamali siya nga't palingon-lingon
obvious ba? hindi siya mapakali't ikaw naman din ay ganoon

mapagbiro ang tadhana sayang nga lang at hindi ka nag-iisa

"pssst!" tawagin mo kaya sana naman ay nakapag "hi!" ka
hindi bale na lang sapagkat ngayon ikaw ay mayroon ng iba
look at you! hindi ba niya nakikitang, you glow like you're masaya?

masuwerte ka!your man ngayon ay isang "sport" na mangingibig
"tingnan mo Darling, siya si Honey, ang nakaraan kong pag-ibig"
"oo siya nga teka bakit ganyan ngayon ang kanyang hitsura?
"tumanda na siya!mas mabuti nung kayo pa'y magkasama"

oo nga napansin mong hindi na siya katulad ng dati

ang porma niya'y para siyang sinauna ang pantalon pati
nakasuot siya ng polong stripes mas bagay sa kanya ang puti
mayroon pa ba siyang karisma hindi ba man lang siya'y napabuti?

kumirot ang iyong puso nanghihinayang ka ba sa inyong nakaraan?
naaawa ka ba bigla kang naging sad bakit bigla kang naging down?
may naalala ka lang iyon ang inyong masalimuot na pinagdaanan
kayo'y nag-umpisa sa biruan hanggang muntik ng magkatuluyan

alam niyang alam mo't limang beses na siyang paroo't parito

nakakatuwa bang isipin ngunit hindi bagay sa kanya ang natutuliro
mahiyain pa rin pala siya hayun ayan sinipa na naman nya ang floor
bwahahaha!buti nga sa kanya't parang gusto niyang magalit, ROAR!

hay pag-ibig! ganun siguro iyon at siya'y naging super special sa iyo

salamat sa inyong nakaraan in fairness na feel mo rin dati na siya'y seryoso
huwag ka ng manghinayang both of you tried your best but nagkamali kayo pareho
the chapter of your book is closed! you are just happy to see him too, that is so!

REMEMBERING HER WORDS TO ME, REMEMBERING CARLA, HAPPY BIRTHDAY!
One of my best friends, Joanne Carla N. Frigillano  (Sept.23,1979-March 19,2013). She died of cancer.
WE WILL ALWAYS REMEMBER YOU.
I Love You.



An olive tree is named after Carla in honor of her service at American University Dubai (AUD)

"CARLA'S TREE"

o kay ganda mo namang pagmasdan
berdeng-berde ang iyong kaanyuan
hinahanap-hanap ang iyong kabanguhan
sayang at dito na lamang sa larawan

ang buhay ng isang tao sa puno'y hinantulad
nabubuhay sa tubig at araw kapag nakabilad
lumalago ang dahon sa kabutihang palad
lumalaki at tumataas gaya ng iyong paglipad

aalalahanin kita mahal na kaibigan gaya ng dati
ang punong ito'y simbolo ng byuti mo binibini
sasariwain ang nakaraan kahit ang olives ay nahuli
magdudulot ng kasiyahan sa aming isipan lagi-lagi

"Friendship is a sheltering tree." 



CARLA AND I LOVE THIS SONG AND WE TALKED SO MUCH ABOUT IT.


Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat