DIARY OF FLORENCE FLASK

"I sit there staring and there's nothing else to do." 


"OJT" ang sabi ng aming butihing professor at tayo'y magaaouting?
nope! isang mapapasukan sa araw-araw para sa aming training
ang dapat ay iyong naaangkop sa aming kursong chemical engineering
dapat na raw kaming matutong magbanat ng buto "but it's not easy going"

mabuti't hindi ako nahirapang maghanap ng mapapasukang kumpanya
kasi naman nirekomenda ako ni "Doctor Armstrong" at salamat sa kanya
doon sa "Camp Big Falcon" sa bandang Taguig at ito'y para sa ekonomiya
nagsasaliksik ng kapaki-pakinabang na imbensyon at pang siyensya

sobrang "excited" ako sa unang araw at nagmamadali akong pumasok
napansin ko agad ang hardin at malagong halamanan kahit madaming lamok
pagpasok ko sa building ang semento'y basa't nakita ko ang hagdan sa sulok
"225" madali lang palang hanapin ang pinto ng opisina't ako'y kumatok 

nakilala ko si Ginang Facundo't siya'y  beterana't kawangis niya'y si "Prince Zardoz"
isang guhit ang kilay at mukhang strikto't "kumusta naman ang iyong grado sa klase"
"e mabuti naman po't nakakaraos sa aking pag-aaral kahit problema'y madame"
"ngunit gusto ko po sanang makapasa sa "OJT" at ako'y matiyaga't walang kiyeme"

pakibaba nga ang iyong kilay "Prince Zardoz" at ang haba ng iyong kapa't espada
binilin niya ako sa kanyang kanang kamay na si "General Draco" at ako'y napalunok na 
"pagbutihin mo't mamatiyagan kita" aber cowboy yata ako't parang si "Mark Gordon" na ulila    
palakain ako ng margarina sa tinapay at kahit payat ay sapat naman sa pang-unawa

dinala nga ako ni "General Draco" sa kabilang kwarto't isang malaking laboratoryo
dito raw ako magsisimula't aba'y napakalaki naman para magtrabaho ang iisang tao
ang mga kabinet ay matataas at aabot na sa ceiling para akong nasa kalaboso
"eto ang gagawin mo, mag halu-halo ka ng kemikal at mag-iingat kang huwag mapaso!"

paghahaluin nga lang ba ang mga makukulay na kemikal gaya ng sabi sa papel
"BORUTESU FAIBU ni subete wo kakete" ang intro at iniisa-isa ko ang label
wala man lang isang pamilyar na pangalan sa akin at tsinek ko pa ng pentel
"I'm turning Japanese" at Niponggo ang karamihang nakasulat biglang nagring ang bell

tandang-tanda ko pa sa anim na oras na pagtratrabaho kong mag-isa
nakaramdam ako ng hindi lang pagkabagot at nakakalungkot din pala
tahimik ang lugar "Jaime" at nadidinig ko lang ay ang kumukulo kong ginagawa
let's volt in! ayoko ng ganitong mundo para akong mag-isa't tayo na "Steve" sa isla

mayroon akong napansin sa araw-araw kong pagpasok sa laboratoryo
palibhasa'y hindi ako alien kapag oras ng break sa sulok ay kanya-kanya sila ng takbo
lumalayo yata ang mga "Boazanians" sa katulad kong baguhan at handang matuto
akala nila siguro'y magmumukmok akong parang si "Little John" e sila yata ang may toyo

tiyempo naman at nakipagkaibigan ako sa malaking mama't tagahugas ng mga gamit
si "Big Bert" ay makintab ang buhok at laging nakikinig ng radyo't malaki ang damit
nakikisabay akong kumain sa tanghali't nakikain na rin ng baon niyang isdang danggit 
"no sex, no drugs, no wine, no women, no fun" iyan ang sabi niya't parang gusto kong umawit 

siya rin ang nagkuwento na walang tumatagal sa aking trabaho't puwesto
hindi kasi sinasabi ng mga "Boazanians" ang tungkol sa kemikal at ang totoo
Oh no! ang palagiang paglanghap ng kemikal sa anim na oras kong pagtratrabaho
ito pala'y nakakabaog at maaaring ako'y maging inutil at walang kontribusyon sa mundo

nagwakas ang aking "OJT" at "I've got your picture of me and you" ang kanyang papuri
pinangakuan ako ng trabaho sa Japan at sayang hindi bilang isang Japayuki
ang produkto ko'y pampadulas ng tela't magka-iba ng gamit sa kanyang K-Y jelly
"success!" ang sabi sa akin ni sakang at "sayonara!" naman ang aking wasabi


Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat