THE MUSHROOM PICKER

nakaharap nga ako sa aking computer nagtratrabaho
patipa-tipa laging may kausap sa Skype at telepono
habang naghihintay ang ballpen ay pinapaikot-ikot ko
iyan ang natutunan ko sa loob ng klase sa kolehiyo

habang binabasa't sinasagot ko ang aking mensahe

nakakangawit nakakamiss tuloy ang full body masahe
iyon bang nakalubog ka sa tubig na may rosas at pinaghehele
makakadinig ka ng musikang nakakarelax "kip kam" hehe!

ngunit heto pa nga ako't nagtittipa pa rin at nadidinig ay tik-tak
nagbibilang ng oras naghihintay ng grasya't sasabog ang utak
sa kaiisip ganito talaga ang buhay mabuti pang lumabas at tiyak
makakakita ako ng mas maganda't mas nakakaaya ang gayak
dito ako laging dinadala ng aking mga paa sa kagubatang ito
may kakaibang kasiyahan ang sikat ng araw ay sinasayawan ko
ang mga luntiang dahon ang matataas at mayayabong na mga puno
ako'y lumuluksong parang ninja ang mga insekto'y kinakausap ko

sa loob ng gubat madidinig mo ang mga huni ng iba't-ibang ibon
para silang kumakanta't masarap pakingggan kahit siguro maghapon
ang lagaslas ng tubig sa ilog na binabalik ako sa dating panahon
ang piknik namin sa Nueva Ecija't pumapapak ng pakwan noon

minsan ako'y napaupo't nangarap ako'y si Bella't nakahiga sa damo
Edward ako rin ay si Katniss Everdeen may dalang pana't nagtatatakbo
maputi man si Snow White pwede na rin akong kasama ng duwende rito
o di kaya'y si Jane ni Tarzan "Cheetaeh I love Mother Earth!" ang sabi ni Cielito

"tingnan mo nga itong isang insekto't ngayon ko lang ito nakita
hindi bat kyut ang kulay mukhang madulas kakaiba ang hitsura
busog na busog sa libreng tsibog!mukhang solved na solved siya
naunahan ako sa kabuteng nginangata't masuwerteng suso talaga!"

































































madalang man ang bulaklak sa gubat ngunit berdeng-berde ang lahat
siguradong matutuwa si Nanay Incog kapag ito'y kanyang nasipat
kapareho kasi ito ng kanyang duster swak!at siya'y lapat na lapat
para siyang diwata ng kagubatan ang nunal sa ilong ang agimat























mayroon akong nakahiligang gawin at talaga namang nakakawili
ang maghanap ng kabute't laging nakatungo makatanggal tulili
nakakawala ng stress gamit lang ay disiplina't mabagsik pa sa sili
dahan-dahan ang lakad ang tuyong dahon sa lupa'y aking hinahawi

naku!minsan makatagpo ka ng isang taong malabong kausap
siya'y lulubog lilitaw parang palitaw paano ba ang mangarap?
parang kabute't madalas magtago't nawawala kapag hinahanap
"mushroom cut"ang tawag sa malupit na gupit na aking nalasap






































masarap kaya ang kabute't sinasahog sa ulam na luto ni papa
lalo na't sariwa iyong Butterpilze ay talaga namang malasa
parang pinaghalong mantikilya at gatas na Liberty ang timpla
igigisa sa cream naging sauce para sa steak wow! naman talaga




















taon-taon ako'y pabalik-balik dito't ito'y aking hobby at nagbibigay sigla
biruin man ako'y unggoy mabuti't walang baboy damo akong nakikita pa
nagmumuni-muni't namumulot ng patpat minsa'y nakakita ako ng agila
dito ako'y malayang maghanap ng kabute't minsa'y inaalat at eeekkk may daga! 

































Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat