TAINTED 4-"DO OR DIE"

aruy!hindi naman masakit ang iyong ngipin ewan mo ba,
gumamit ka naman ng Colgate may bonus pang baking soda,
kinikiskis ang mga ngipin sa iyong pagtulog nabungi ka,
nagkalagas-lagas sino kaya ang susunod sa iyong pamilya?

mag-iingat sa asong umaatungal sa gabi may sinusundo raw si Kamatayan?
gaano katotoo parang eksena sa pelikulang horror doon sa kawayanan,
"tabi tabi po" ang bigkas kapag sa nuno sa punso ikaw ay napadaan,
wag mag-suot ng kulay pula wag iwan mag-isa ang patay na pinaglalamayan.

kabilin-bilinan ng lola hindi lang huwag uminom ng serbesa,
pagkatapos ngang maligo hinihila ka ng iyong mga paa sa iyong kama,
magpatuyo ka muna kuskusin maigi ng tuwalya huwag munang humilata,
totoo nga kayang may missing link ang ating anit sa ating mga mata?

nabanggit ko na sa aking Havana Brown Story iwasan ang maiitim na bagay,
kapag nakasalubong ka ng isa sa daan bumalik ka na lang sa iyong bahay,
wag maglihi sa dinuguan kung ayaw mong sila ng anak mo ay magkakulay,
kalalakeng tao paano naman iyong sadyang may maiitim na kuko sa kamay?

dito ako ay eksperto sa pag-aayos aking mga kasangkapan ay nahihilo,
si mister ay hindi makapagreklamo maging sa aming mga kuwarto,
titiyakin kong ang paanan ng kama ay hindi dapat nakatapat sa pinto,
may hawig sa pelikula ni Mang Kepweng kilala mo ba si Chiquito?

three is a crowd kailangan itulak ang isa o di kaya basta ikaw hindi nasa gitna,
parang sa samahan ng magkakaibigan ang tatlo sa gulo lamang mapupunta.
si buntis hindi rin pwedeng magpalitrato sa gabi kapag hinakbangan ang asawa,
kinabukasan ito ay matamlay nangangasim nagsusuka gusto mo rin ng atsara? 

something blue something old something borrowed ano pa ba?
bago ikasal hindi dapat isukat muna ang kanyang traje de boda,
paglabas nga ng simbahan sasabuyan sila ng bigas para masagana,
ihahagis ang bouquet ang makasalo ay siyang next bride asa ka pa!

ang pagkain ay grasya hindi maiwasan mahulog ang tinidor o kutsara,
darating nga sina tiyo at tiya nahulog ang kutsilyo dumating nga si bakla,
walang dapat na matira kahit mumo bawal magligpit at may kumakain pa,
nakaupo si ditseng balo ulit iikot ang pinggan may patakbo na sa kubeta. 

nang minsan nabasag ko ang aking antik na salamin ako ay napatulala,
tinatapon ko ang lahat ng nababasag ang iba naman ay binabaon sa lupa,
gusto ko man walisin gamit ay tambo galing Baguio no,no at gabi na pala,
malas daw!maging sa negosyo bawal ang nakasimangot at nakapalumbaba.

ang okasyong ito ay tunay na espesyal maligaya na manigong pa,
maghain ng 13 na bilog na prutas ang mga bulsa ay puno ng barya,
si Nanay parang Dalmatians bilog-bilog ang bagong duster niya,
nagtatatalon ang mga pandak este ang mga bata epektibo nga ba?

hays ilan lang ito sa ating mga pamahiin hanggang ngayon ay sinusundan,
walang masama bakit nga ba?kung ating balewalain hindi siya kawalan?
parang tsismis hindi man totoo e bakit apektado ka?ang resulta ay abangan,
"old school" "oh gimme a break" walang dayuhan ang naniniwala peksman!


YOU CAN BUY MY #EBIGAN BOOK HERE




Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat