REMEMBERING MRS.DOUBTFIRE

HAHAHA!ang lutong naman kay sarap mong tumawa
dagdagan mo pa ng smiley tatlong beses mong imarka
ibig sabihin nun ikaw ay humihiyaw at nagtatatalon pa
enjoy na enjoy sa iyong status grabeee!kwelang-kwela

HAHAHA!utang na loob!pinagtatawanan mo ba ako?

umalis ka kasi diyan at madilim naman ang iyong anino
nanggagalaiti ang seryoso ang KJ hindi mo siya mabiro
hindi naman niya alam mas higit siyang nakakatawa mismo!

HAHAHA!alam kong mahirap ang buhay ng isang payaso

dapat kang kagiliwan ng mga bata minsan ikaw ay naaabuso
patay kang bata ka kapag ang laro mo ay hindi nila gusto!
matuto kang magmahika bigyan mo silang lahat ng lobo

HAHAHA!ano ba ang nagbibigay sa atin ng kasayahan?

madulas ng konti kahit ano pwede nating mapagtawanan
nasaktan ka na nga ng hindi sinasadya aruy!napagmasdan
natapilok ka bumagsak at tumayo o ano kaya mo ba yan?

HAHAHA!sapin-sapin na nga ang iyong mga problema

sabay-sabay silang dumating pilit mo pa rin kinakaya
sasariwain mo na lang ang mga panahong ikaw ay sagana
dinuduyan ka ang reyalidad:ubos biyaya bukas nakatunganga

HAHAHA!sa akin pa rin ang huling halakhak ang banat

madalas mo itong madinig sa telenovela silang mga sikat
naghihimagsik ang kanilang damdamin sa sinumang pabigat
malalim na sugat na nagnaknak gumaling man ay may peklat

HAHAHA!"laughter is the best medicine" iwas ka sa sakit,

sa araw-araw humaharap ka sa salamin nakangiti ng pilit?
isipin mo na lang ang iyong wrinkles aabot kaya hanggang anit?
kung gustong humaba ang buhay kumain ng ampalayang mapait

HAHAHA!"good morning" hindi bat kay ganda ng umaga?

bagong araw sariwang hangin nagbibigay sa atin ng pag-asa
pakiramdam mo ikaw ay isang paru-paro pakanta-kanta pa
o kay ganda ng bulaklak sa damong ligaw ikaw ay nakahiga pa

HA!HA!HA!subalit hindi na nga ako matawa dahil sa isang payaso

naalala ko lang ang galing niyang magpatawa kahit siya ay naaabuso
sa kaniyang mga pelikula siya ay kinukulit minsan nasasaktan ng todo
komedya ang lahat sa kamera sa likod pala siya ay may sakit ng totoo

HA!HA!HA!hindi nakakahawa ang kaniyang tawa sa kanyang paglisan

isa akong tagahanga nag-iwan siya talaga ng peklat magpakailanman
kung sino pa ang mapagbiro mas mahaba sana ang buhay na inaasahan
nagkamali ako maaaring siya rin subalit hindi sana sa ganitong paraan



FAREWELL ROBIN WILLIAMS (1951-2014). MAY YOU REST IN PEACE.
YOU CAN BUY MY #EBIGAN BOOK HERE

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat