YELONG YELLOW

"FROZEN" ay isang napakagandang pelikula
kapupulutan ito ng aral kagigiliwan ang mahika 
isang storyang pambata isip-bata man o matanda
ako'y nakaramdam ng magkahalong lungkot at tuwa

si Elsa ay mabilis makagawa ng yelo ilalabas lang kamay nito
nagtatago sa guwantes bawal siya sa kahit anong bagay humipo
kawawang bata hanggang sa paglaki ay walang kaibigang totoo
mayroon siyang kapatid na babae si Anna isang ordinaryong tao

pabili nga po ng yelo hay naku bata bumalik ka at wala pang buo

gusto mo ba ng ice-tubig o sige kunin mo na bata at libre na ito
mahirap makabuo ng yelo lalo na't ang ref ay bukas sara ang pinto
sa kaunting tutubuin malakas pa sa kuryente ang suma total ay zero

makikilala nyo rin dito si Olaf ang snowman na nilikha ni Elsa

si Olaf ay bunga ng kanilang imahinasyon at naging kalaro nila
si Olaf ay sagisag ng creativity ng kahit sinumang naglalarong bata
siya'y kumakanta at sumasayaw sa kanya'y maaaliw kang talaga

sa kalagitnaan ng pelikula ang buong kaharian ay nabalutan ng yelo
si Elsa ang dahilan at siya'y lumayo't nagtayo ng sariling mega palasyo
kumikinang ang suot bagamat nag-iisa siya'y feeling malaya at kumpleto
kumanta pa siya ng "Let it Go" ang lyrics at arte'y kabisado ng mga anak ko

ito ang gusto kong talaga sa Disney films ang tinatalakay ay buhay-pamilya

si Anna ang nakakabatang kapatid ni Elsa ay hindi natakot at hindi nangamba
hinanap ang kanyang kapatid at gusto niya itong gumaling at makapiling na 
isang totoong pag-ibig para kay Elsa ang tanging makakapagpaalis ng sumpa

ang Pinoy ay mapagmahal sa pamilya sama-sama ang lahat sa iisang bubong

nandiyan sina lolo at lola ang bunso't panganay kung minsan ay nagsasabong
sila'y madikit at nagdadamayan nagkakahawaan din sila ng beke at bulutong
natatandaan mo rin ba ang ating awit pambata tong tong tong pakitong-kitong

si Elsa nga'y naging yelo at nahuli sa taning ng sumpa ano nga ba ang kasunod

umiyak si Anna ng umiyak kay Elsang "FROZEN" akala mo siya'y nasa puntod
si Anna ang lunas si Elsa'y nagbalik at sila ay muling nagtungo sa kanilang lungsod
ang ending ay masayang nagtapos sila'y nag-iice skating siguradong may kasunod 

hindi makalabas ang sanggol sa loob ng tiyan kapag nakapulupot sa leeg ang pusod

paglabas pala'y kambal at paglaki sila'y magkaibigan at nanggaling sila sa iisang pusod
kung tunay kang maganda ngumiti ka lang hindi na raw kailangan magpakita ng pusod
huwag naman ikahiya ang iyong kasintahan kahit ang kanyang taas ay hanggang pusod

ang tunay na pag-ibig ay nag-aalab parang apoy at laging nag-iinit

walang tibak-tibak na yelo ang makakapagpamanhid ng pusong mainit
gaya rin ng storya ng pag-ibig nina Jack at Rose ng Titanic ako'y napapikit
do you think you have fallen?I am "glued to the spot" I am "FROZEN"

Abangan ang FROZEN 2!




My daughter Sylvia is a huge fan of  FROZEN.


This is our very own OLAF. My daughters created it for fun.



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat