PEACE MAN, PEACE!

ang aking puso'y nagkadurug-durog ng aking makita
ang pighati ng isang ina sa kanyang mga anak o sana
siya na lang daw ang kinuha at sila'y mga bata pa
hindi na siya makaiyak wala na siguro siyang iluha pa

bakit nga ba ang kamatayan ng isang tao'y napakasakit

lalo nat' hindi mo man lang nakasama nang siya'y pumikit
ang aksidente kahit anong oras ay nagaganap at napakalupit
bakasyon lang ang pakay ng paglalakbay at humantong sa langit

kung oras mo na kahit saan kahit anong araw ikaw ay aabutan
ang masakit lang bakit napakabilis naman at hindi mo makayanan
gusto niya pang mabuhay at madaming pangarap ito ba'y kalabisan?
tanggapin ang buhay ng tao ay iisa lamang at hindi dapat paglaruan

ang tunay na kaibigan ay hindi nagdadalawang-isip o nagsasawa
ang pagtulong sa isa't-isa'y kusang loob walang sukatan ng gawa
kahit saan ko man isipin ang pagtanggi sa grasya'y hindi iyan tama
walang pritong manok ang hindi inaasnan sa asin sana'y nag-isip ka muna

kailan kaya titigil ang kaguluhan sa mga bansang Israel at Gaza?

marami ng mga nagbuwis ng buhay tama na parang awa nyo na
ang mga inosenteng bata wala silang kinalaman tapusin nyo na
"history repeats itself" kung tutuusin walang may gusto ng giyera

saan nga ba nagkukulang ang mundo bakit walang kapayapaan?

ang buhay ng nakakarami ang dapat isipin hindi lang para sa iilan
napakasarap mabuhay ng simple basta't totoong nagmamahalan
iwaksi ang pag-iimbot ang mga pamilya't edukasyon ang tutukan

ang mga taong nabubuhay sa baril ay namamatay din sa baril hindi ba?

ang paggamit ng dahas ay hindi nakakakita ng lunas intindihin nyo ba
harapin ang suliranin ng inyong bansa huwag gumamit ng mga sandata
todo ang galit sa bawat patak ng dugo katumbas ay balde-baldeng luha

"minsan mayroon laksa-laksang mga abang langgam at ang kanilang lungga'y nilisan
sila'y sunud-sunod walang patid ang dating ang talagang ibig ay mangibang bayan
saan nga ba sila tutungo't bahala na ang kanilang mga paa't hangad ay kapayapaan
walang kuwenta ang kanilang hambog na reyna't nagmamalaki pa sa kanyang kabiguan"

sa bawat taong nakikipagsapalarang tumawid huwag sana silang tabuyin 

naiisip ko ang mga nagugutom na bata ang mga biktima'y ayoko ng silipin
isang paanyaya mag-alay tayo sa kanila ng isang taimtim na panalangin
kapayapaan at kabutihan para sa lahat O' Diyos ko kami ay Iyong dinggin


GOD HAVE MERCY ON US








Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat