MARIA GABRIELA MELCHORA BONIFACIO ESCODA

taong 2014 at buwan ng Pebrero sa Berlin kami'y nagpunta
sa ating Embahada ng Pilipinas dala-dala ang aking pamilya
nagpa-renew kami ng passport ng anak kong si Aaliyah
ang aking asawa'y eksperto sa mapa excited akong talaga!

ito ang aking kauna-unahang pagkakataon dito sa Alemanya

makakita ng ibang Pinay makipagkaibigan kung maaari sana
naumpisahan ko na nga't baligtad pala ang aking bagong blusa
Miss baligtad ang iyong suot ang tag ay nasa labas kitang-kita”

hahaha!ano ba yan mabuti na lang ang aking suot ay knit wear

salamat Miss buti na lang ako ay iyong napansin that you care
kaya naman pala sa paglalakbay namin ay hindi kami naligaw aber
kabilin-bilinan ni lola nakikinig ako kay Elvis Presley "It is now or never!"

doon pala sa embahada pagsapit ng alas nuwebe ng umaga

ay may kaunting seremonyas nanahimik ang lahat kung baga
magbibigay pugay sa ating bandila't aawit ng Lupang Hinirang kami'y humanda
ehem!naku!ilang taon na rin hindi ako nakaawit kabisado ko pa rin kaya?

tumugtog na nga ang CD o plaka?lahat ay tumayo't handang umawit

aba ang aking panganaynagbibirong gustong kumendeng aking kinalabit
“umayos ka't magbigay respeto isa ka rin Pinay iyan ay ating watawat”
ang asawa ko'y tahimik ang mga mata ko'y hindi na kailangan mandilat

napasandal ako sa puno't kilala ko ito bamboo!kawayan!ang gara!

Darling,look isn’t it amazing?” at ginagamit namin ito sa paggawa
ipinagmamalaki!bahay,poste,tulay,kasangkapan sa bahay at iba pa
magkagayun man “Mama,that bamboo is not real!”ako'y napahiya!

kinabog ko ang akala ko'y bamboo ay!tutot!totoong peke pala

knock knock who's there?isa siyang tubo galing sa itaas ng kubeta?
pinintahan na parang bamboo ang hitsura pinaganda kasi't luma na
nadenggoy ako "214" ako'y tao lamang at nagkakamali hindi ba?

normal na sa kahit saang ahensya ng Pilipinas malaglag ka sa pila!

nakatayo ako sa bandang likod nakalimutan kong hindi ako isang prinsesa
umuusad ang pila bakit hindi yata ako kasali nagmukha akong saling-pusa
“ano na ateh,namali ka ng tayo” si bakla pala't akala ko'y ang aking kunsensya

heto ang talagang namimiss ko ang kuwentuhan ng mga Pinoy sa pila

si ala Donya Buding nakasuot ng choker tumatalsik ang laway sa kalilitanya
si pare kunwari'y si Pinoy sa tabi ng ating watawat ay nagselfie at nanunumpa
nandoon sina Ate Guy at Ate Vi nakakain daw siya ng panis sabi nung isa

"hay ang asawa ko 'y tumanda na sa katratrabaho at wala ng hilig at gana

25 taon na ako dito sa Alemanya dumami na ang wrinkles ko hindi ba halata?
paano ba magluto ng batchoy?sis ano ba'ng mas magandang pagkakitaan ng pera?
naku!nagbakasyon kami sa Pinas grabe ang gastos at araw-araw ay fiesta!"

pinoy na pinoy nga ang eksena tawanan at hagikgikan walang pakundangan

"appear at disappear" isa akong hunyango kahit sino'y aking pinakikibagayan
nabigyan pa kami ng kalendaryo o e bakit walang pera?biro ng isang kababayan
nainip man ang asawa ko sa transaksyong pinoy ang saya naman ng aking karanasan

sa facebook madami akong nakilalang Pinay katulad kong nasa Alemanya

feeling at home ang inyong litrato'y aking tinitingnan status nyo'y binabasa
pareho tayong mahilig sa lutong pinoy mapagmahal sa mga anak at asawa
malinis sa bahay mahilig sa halaman at bulaklak tayo nga'y mga tunay na Pilipina


With the beautiful Marias in our wedding.

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat