H2O

ang lakas ng hampas ng hangin ang laki ng alon
sinasayaw ang mga puno sa bagyo ay nakikiayon
labasan ang mga tao bilis!ang mga gamit ay iahon
wag kayong magpapanik masungit na ang panahon

nagdaan na nga ang pinakamatinding si Ka Yolanda
maraming nagbuwis ng buhay mga pananim ay nasira
ang bagyo sa babae ay ipinangalan o bakit nga ba?
paiba-iba raw kasi ng isip ang gusto ay ito mamaya ay iba

nakakabingi ang kulog kasunod nito ay mabangis na kidlat
naghahanap ng mabibiktima huwag ka sa bubong aakyat
noong unang panahon wag ka basta sa babae kikindat-kindat
isang kabastusan isang matunog na sampal sa iyo ay nararapat

hindi humihinto ang buhos ng ulan lahat ay nagtatampisaw
mga bata ay takbo dito takbo doon naliligo o nagbabanlaw?
lumubog na ang kalye para ng ilog walang lupang matanaw
madaming nagtutulak ng sasakyan tulung-tulong di umaayaw

ang tubig baha ay deadly pagsabihan ang lumulusong na bata
sari-saring dumi ng tao,hayop galing sa kanal may ihi ng daga
nagdudulot ng sakit "leptospirosis" pinag-iingat ang boung madla
"prevention is the best cure" huwag balewalain ang mga babala

ang sobrang linis sa katawan ay hindi rin mainam tara sa Lucban 
ang longganisa!gamit ay hand sanitizer gaano kadalas ang minsan
hindi nagpupulot ng nahulog na pagkain masarap kaya ang suman
suman moron suman sa lihiya suman sa talipopo ng Samar Borongan

super typhoon signal no.3 iskul at opisina lahat ay walang mga pasok
paulit-ulit nagbabalita ang PAGASA brownout lahat ay nagmumukmok
sabi-sabi kung may isinuksok may madudukot sa iyong kokote ay ipasok
kuwarta o kahon ang magnanakaw ng laman ay sakim at ikaw ay mamundok!

ang mga pinoy sa gitna ng kalamidad ay napupuri pa rin at masayahin
sa larangan ng balita nakaharap sa kamera hindi nauubusan ng sasabihin
ok na ok pa rin ang sagot pagkain tubig kumot at kubeta ang kanilang hiling
may nagbibigay ng relief goods bigas sardinas atbp. "ty" huwag ng dumaing

mga kababayan ko mag-iingat kayong lahat kailangan din natin ang ulan
ang mga puno mga bulaklak at mga halaman kailangan sila ay madiligan
marami rin napapasaya ang ulan kinikilig pagkaraan ba ng siyam na buwan
suntok sa buwan sino nga ba ang di mababaliw sa ulan ang tanong ng bayan


It is the humor that keeps Filipinos alive. Photos by
 www.rappler.com


Diving lesson at home is practical.

"Pampainit" sa panahong tag lubog at taglamig.

It is Speedy Gonzales on the run!

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat