"BRA-LESS & GERM-FREE"

ang mga pinoy ay mahilig talaga sa sports matindi sa basketbol,
nagmamadaling umuwi galing sa opisina hindi magbubulakbol,
may Tanduay o gin sa mesa buong kapitbahay nasa iyong haybol,
abot ang hiyawan ang kantyawan ang saya-saya ng madlang pipol.

dekada '80s nahilig din ako at  laging aking inaabangan,
Crispa vs Toyota maganda talaga ang kanilang labanan,
maka Crispa ako asar ako kay Jaworski laging may balyahan,
nang si Billy Ray Bates ay naki join woot!woot! another grandslam!

sa makabagong panahon heto na dumating ang ating Azkals,
ang ating national foorball team kailan kaya makakuha ng pocal?
unti-unti dahan-dahan nakikilala sa ibang bansa hindi lahat ay lokal,
iyon nga lang ang mga pinoy pa rin sa basketbol ay baliw di ba bokal?

"Miss taga saan ka nga?sa Mandaluyong po.saan nga doon?
sa loob (ng Mental hospital) o sa labas?cup A,cup DD ganun?
kasing liit ng pasas kasing laki ng papaya ano'ng meron o melon?
naku mainit ang ulo kapag meron pampalamig ng ulo ang melon."

2014 Fifa World Cup Brasil iyan ang aksyon nanonood ang buong mundo,
kanya-kanyang alaga kanya-kanyang pustahan kanya-kanyang kuru-kuro,
napanood mo ba ang Germany vs Brasil tinambakan ang Brasil 7-1 hohoho!
ito ang gabing humaba ang aking dila di ako nalasing namaos ang boses ko.

sa Linggo nga ang labanang malupit Germany vs Messi magulo ang lahat,
may obsessive compulsive disorder ka ba?at paulit-ulit kang nagsisipat,
bukas-sara ang pinto double-check ang plantsa o kalan ayaw mo ng kalat!
doon sa bayan ng Pateros masarap ang balut penoy abnoy at itlog na maalat!

sa football lamang kami ng aking asawa ay magkasundong-magkasundo,
kahit batuk-batukan ko siya sa aking katuwaan hindi na lang siya kumikibo,
nagtatatalon na ako sa sofa nagtititili isang bote ng red wine ang nauubos ko.
lintik ka Deutschland kapag hindi ka nanalo bukas tapos ang career ko!hohoho!


Me and my Deutschland team!Go and get Messi,boys!Don't cry for me Argentina!




Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat