'TAINTED-"SIX SENSES"

napanood ko kangina sabi ng isang henyong maputi,
ito ay maalat parang champoy sa kalusugan ay mabuti
tayong mga Pinoy binibilog-bilog muna ito bago pitikin,
tayo ay dating bata ito ay paboritong papakin,aminin!

dati rati nga ay dalaga ka pa mahal kong ateng pinsan,
sa numero wala sa iyong tatalo pumuwesto ka Minang,
magbabasa ng pocketbook  sa una ay nakadekuwatro,
sisimple pero nagkukutkot ng sakong hehe tingnan mo.

ito ang nagpapatunay na ang tahimik ay siyang malalim,
may kalakasan ang tunog hindi tayo lilingon walang aamin,
ang sabi-sabi kung sino ang pumutak siya! siya ang salarin,
U.S.T! ang bansag walang pikon o amoy lumayo ka sa akin.

maingay na hangin galing tiyan kung ikaw ay nabusog sori!
masarap kayang kumain ng ginisang gulay at pritong gg, 
may nilagang talong ang sawsawan ay sukang may sili,
tsu! may aso sa lilalim ng mesa ang trick wag naman mawili.

aba hagdan-hagdan nga kayo parang tren nakaupo sa kubo, 
si ateng ang namumuno nasa itaas at hawak ang iyong ulo,  
abalang-abala sa pagtiris ng iyong mga alagang maiitim 
walang suyod gumagapang mabibilis sa anit nakakarimdim!

mahilig ka kasi sa japorms ang galing ba ng kanyang porma,
sayang nga lang maigsi ang buhok nakita mo ang tulili niya,
kaya nga ba mas gusto mo ang tipong rock star at mahaba,
ang...bu..hok tanong ko lang lisensyado kaya ang baba niya?

Ding nasaan ang bato?hindi puwedeng wala ang nanay ko nito,
kuskos dito kaskas doon magmula sa leeg at pababa na gets mo?
suut-suot ang kanyang duster siya ay naliligo sa labas sa may poso
ang libag ay muling nagbabalik sa lupa tanggal pati ang balahibo! 

ang bilin nI lola huwag kagatin ang iyong kuko at madumi,
ang kanan ay ginagamit sa mga gawaing  pagkakalantari, 
ang kaliwa naman ay sa paghuhugas ng matulis mong puwit,
ang Pinoy ay gumagamit pa rin ng tabo saan kaya nakasabit?

sa modernong panahon napatunayan at laganap na syensya,
ang pagkagat-kagat ng kuko ng bata paglaki ay insecure siya,
kaya kapag nakikita mo ang iyong anak tapikin mo agad siya,
huwag na huwag mong sasabihin malinis ang iyong konsensiya!

pareho kami ni Popeye spinach ang aming paboritong kainin,
pampalakas ng katawan subalit mag-iingat ka at ang iyong ngipin.
minus beauty points pagkatapos kumain at hindi mo napansin,
sesenyas ang ka date mo don't get it? T*NGA!you have a tiny thing!

akala mo lang pero meron meron kang amoy,meron kang b.o.!
lintik na mamang ito, gusto maging Pinoy lagi sa palengke oo!
hatSingh!ang tapang kasi ng pabango gusto mo ng kulambo?
umiwas ka sa bigotilyong madaming buhok suicidal bigay load mo!

kilala mo ba ang mag jowang sina Charlie at Gee,ito ay galing sa stress,
sila ay "free falling" mapuputi dumadami ang kati-kati oh what a mess!
masarap bang kutkutin sundin ang payo ni lola sa ika-walong saknong,
mahinog ka kung ikaw ang klase ng curry sa ika-labing isang saknong!


My daughter Aaliyah and I in Universal Studios LA, 2008

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat