"EARTHLINGS"

mani bili na kayo ng mainit na mani spaceman lolo,
madaming bawang clusters bigyan mo ako limang piso,
alin po itong maning hubad o maning universe may balat?
ala eh!yung hubad at ako ay may astronomy lagnat.

hahaha natawa rin ako sa matandang ito C-3PO,

sa may gawing kanang orbit tonong Batangueno,
itong katabi ko panay buntung hininga at seryoso,
katunog niya si Darth Vader nagbabasa ng Star dyaryo.

dati rati taong 2008 ako ay nagtrabaho sa planet Amerika,

sa Simi Valley Sun doon ako celestial nadestino ang kwela,
ako ay napagitnaan ng isang mongoloid asteroid isip bata,
at isang dalagitang disturbed ako ay nagka spacephobia.

iyong mongoloid sa akin ay laging nagpapa charming tatawa-tawa,

dinudutdot sa akin ang kanyang cosmic phone heto ang sabi niya,
"E.T. phone home" OK I M R2-D2 mukhang mas martian itong isa,
hinampas ang buhok sa akin gusto akong kainin?hi Chewbacca.

ilang buwan din sina E.T.at Chewbacca ay aking seatmates,

hindi kami nag-uusap hindi ako scientologist pero lahat ng dates,
kahit mag-iba ako ng puwesto hello Mars huli nila ako at pilit,
nagsusumiksik kami ay alien sandwich isa akong tuod nanliliit.

Luke masyadong abala ang mamang ito mataas at payat,

naka space helmet laging sinasabi dapat ang sky pera ay sapat,
kanyang pera ay puro constellation buti pa siya at nakalalasap,
bubutas ng astro papel wala kaya si Skywalker at manghoholdap?

si mamang Jabba doble ang baba sa outer space ay nakatingin,,
sa kauna-unahang chamber paminsan-minsan kami ay sisilipin,
hihinto lamang kung ang mamang abala ay humataw sa bakal,
nakahawak sa manibela ng spaceship iilag sa meteor suma total!

walanghiya ka matanda na ako hinihipuan mo pa,

hataw dito hataw doon ng laser sword gawa ni lola,
aray!tama na ho at masakit na ang aking kamay,
gusto ko kayong kupitan lola Nova hindi ako mahalay.

sabay nag spacewalk pababa ang binatang kulot,

tumalon si Han Solo mabuti at walang nadukot,
nabambo pa ni lola hayun at nakapikit ulit siya,
yakap na ang kaniyang tampipi kamukha ni Yoda.

heto ang hindi ko gusto kami ay titigil iwas Dark Hole aberyang taglay,

may pumasok na Brown Dwarf naglilinis ng sapatos barya ay ibigay,
umakyat sina Princess Leia mahahaba ang buhok at puting damit,
may dalang magnetic field ng barya at telescope tutula ba o aawit?

mas iibigin kong sila ay tutula at ang pakay nila aking madadama,

gaya ng sabi ko kay +Jerboy Lupisan ang tula ay parang harana,
nakaharap sa isang maganda aawit ng isang tunay na kahali-halina,
mapapapikit ka at sasabihing "OO" sige na Jedi ito ang barya!haha!

napalingon ako sa dyaryo ni Darth Vader si Yellow Dwarf Henry Sy,

ang pinakamayamang Pinoy sa buong galaxy oh mooncake really?
sa SM Milky Way ay may ensaymada,pork bbq,pusit at lechon kawali,
gusto ko rin ng ube macapuno,cloud halo-halo o chicken joy sa Jollibee.

teka sa Megarocket nga ang aking punta pork bbq bigla akong napatayo,

palingon-lingon kaliwa't kanan ensaymada konduktor sandali,halo-halo,
mamang tsuper para sa lechon kawali ay mali! pusit at nagkamot ng ulo,
OMG ang bus ay nakalampas!paano na Sy Jollibee ground zero ube macapuno!


My church wedding with my favourite earthlings.



















Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat