WANBOL

dumarating nga si Pink Panther ang tawag ko kay Munti
siya ay manikurista magweweteng ang lakas mag yosi
asan ang Nanay iyon ang tanong niya sa akin palagi
sila'y nagbubulungan may pinaplano mayroon akong paki

hulaan mo ang lugar na ito ay nakatago
kailangan lang ay mesang kuwadrado
apat dapat ang upuang nakapaligid dito
swak na swak sa apat din na mga manlalaro

sa bayan ng Pateros sa may barangay Aliw
doon sa karinderya ni Ate Tacing ay madaming naaaliw
kami ay nagungutang at ang sinigang ay madaming sabaw
ang saya ng kuwentuhan habang nagpapangas ng mais na inihaw

heto na nga silang mga hustlers ay padating

sila pa ay may mga upuang sadyang hiling
ako nga ay kasama bilang isang nagmamatyag na miron
ssshhh huwag kang maingay eto kumain ka ng turon

bawat manlalaro ay pwedeng may mag rosi
iyong bang hahalili kung may manlalarong naiihi
o di kaya naman ay sa bahay muna ay uuwi
darating kasi si mister magpapakain muna ng baby

nakaupo na nga para maglaro muli si Incognita

siya sa aking ala-ala ay bundat na bundat pa
lakas ng kantiyawan kapag naglalaro siya
Incog yan pinagbubuntis mo ay buwenas talaga

kung minsan ay di rin maiiwasan ang alitan
mainit na ang ulo at hindi tumatama kahit minsan
hot eyes daw kasi ang miron at napag-iinitan
maligo ka kaya muna malagkit ka ng tingnan

sa katitingin ang larong mahjong ay akin din natutunan

may balls, chars, sticks at flowers” alam mo ba yan
may pong,kong,chows madalas ang hiyawan
"secret,sagasa,escalera,paningit,single” ang wakasan

ang palayaw mo!dito ka sa mga eksenang ito ipinaglihi

teka kaya siguro magaling ka sa numero ng Meralco hihihi
si Podong ang nagbansag sa iyo niyan dati rati
ang iba pang kalaro ni Nanay ay maagang nasawi

naging paningit nga sa iyo ang ibang plano
ngayonsingle ulit ang kinalabasan mo
sana “before the fifth”,all is upgets mo
todas! seven pairs!”eto ang tong sis balato mo

MALIGAYANG KAARAWAN SA IYO BUNSONG KAPATID!



WANBOL is my youngest sister, Chona. Her real name is EPIFANIE CHONA.
Happy Birthday and I am always here for you. I love you, sis!



Chona with her bright daughters. She is proud of them.


Chona and I with my daughter Aaliyah at NAIA, 2008.



My pretty nieces, Iris (yellow), Atissa (green)and Lara (pink).



Chona's circle of friends in Pateros.








Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat