LIGAYA


SOULMATE BA ANG HANAP MO? Nakita mo na ba ang soulmate mo?
"Siya iyong taong maaaring minahal mo ng lubusan at magkatugma kayo sa maraming bagay. May "magic feeling" o "electricity" kapag kasama mo siya. Kakakilala mo lang sa kanya nung isang linggo ngunit parang isang taon na. Hindi na niya kailangang patunayan ang sarili niya sa iyo kasi basang basa mo ang pag-uugali't iniisip niya. Hindi mo lang siya minamahal, nirerespeto't inaalagaan mo din siya. Siya iyong taong nagkalayo man kayo ngunit nararamdaman ninyo ang isa't isa. Lagi ka niyang naiisip at ganun din siya. Kahit hindi kayo madalas magconnect ngunit laging may "link". Sa isip at diwa, hinding hindi ka niya iiwan. Hindi man kayo ang magkatuluyan, maaaring maging magkaibigan naman kayo habambuhay. Makikilala mo ang iyong soulmate "at unexpected time and place". Kung minsan, siya'y napatapilok sa iyo, nabangga o napagtanungan lang ba. Maghanda ka kung hindi mo pa siya nakikita." - Mrs. Punk Rock Cielito 



"Where to miss?" "To the Star! (Black Velvet)" 

alas diyes na ng gabi oras na't makalabas na
may usapan kasi kami ng aking game na tropa
sila'y aking mga matalik na kaibigan sa kasayahan
mayroon din kaming trabahong pag-uusapan

doon nga ako gigimik sa aking fave hang-out

kasi'y nilalakad ko lang at nararating ko on time
ayos! lalo na't high heels ko sa pag-uwi'y bitbit
aabutin kasi ako ng alas dos ng umaga yes tweet it!

no ID needed kilala na rin ako ng cool na guwardiya

dati kasi iyong tauhan ko'y natulog sa puwesto niya
“ma’m, your staff is downstairs si Manny ay masuwerte
”take care of him, man” at para siyang sanggol na pinaghele

tingnan mo't matarik ba ang hagdan o tama lang

nahulog din diyan ang isang mahal na kaibigan
“oh really? are you hurt, Honey?beh buti nga sa iyo
nagsisintimyento ka pa kuno'y bebot mo'y pinulot dito

heto't siya'y sumasalubong ang aking personal waiter

dito kasi kanya-kanya sila ng suki o customer
siya ang kwelang si Elmer at sobra ang kanyang ngiti
sabi niya'y “jackpot! at present ako ngayong gabi

umorder na nga ng inumin ang aking ka-meeting

tanong ni Elmer “pareho ba ng dati, bossing?”
alam niya ang aking paboritong inumin, guess it
ano pa kung hindi ang malamig na Kilkenny, bring it

ang main attraction ay ang magaling na banda

sila'y mga Pinoy! hanep! lalo na iyong babaeng gitarista
sa tugtuging rock ‘n roll siya'y talagang bidang-bida
All I Want To Do Is Making Love To You” ang request kong kanta

maingay at patok din ang DJ at umaatikabong sayawan

kaya kong mag-isa sa dance floor huwag mo akong pigilan
dito walang pakialamanan kung ano ang style mo
magwala ka man sa gitna, girl o mag-alis ng sapatos mo

sige lang at tayong lahat ay gustong mag-happenings

kumanta sumayaw magkuwentuhan magbiruan ang dating
dito sa Sea View with lights and sounds ako'y talagang at home
basta ako'y nababagot rain or shine walang pana-panahon

ito'y isang lugar at unforgettable and memorablepara sa akin

salamat sa mga ala-ala't sa mga kaibigang nagpa-unlak sa akin
tanong ni Elmer ”bossing, iyong kasama mo ba sa orange juice ay nalasing?”
haha! si Mare! kasi sa mesa 'y nakadukdok at nakatulog sa pagod, hoy gising!




Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat