HAVANA BROWN STORY

hayun kumalabog na naman sa bubong na yero
gayun kay liit naman bakit pagbagsak ay parang bag ng semento
kapag nagsimulang maglakad at ang bagsak ng mga paa
ay naku! kay bigat! heto't tubig ang katapat "Meow Meow" larga! 

hatinggabi'y sigaw ng mga barangay tanod "dali! takbo! bilisan nyo!"

kami naman ay naglabasan ng bahay at pilit na mga nag-usyoso
bakit Chairman ano ang nangyayari't sino ang hinahabol nyo?
mataas nakahubad at kalbo "Meow" isa siyang "magna" nahuli nyo?

"Meow" huwag kang mag-iisa't lumakad ka ng marahan sa dilim
ang sabi-sabi kapag ikaw ay nakasalubong ng isang maitim
"Meow" natakot ka ba't bumalik ka na lang sa iyong bahay
may nakaambang panganib at hindi ka makakarating sa iyong pakay

kabilugan ng buwan ngayong gabi't maghunos dili ka o giliw ko

"Meeooowwwww,.ww"galing sa kabilang pader at tumigil kayo!
walang pakundangan halinghing ng mga pu**§&%/$ ay grabe!
ano ba magpatulog kayo't sarap putulan ng mga kuko at dalire!

naalala ko't nakakilala ako ng isang taga Capiz at isang ligaw
may alaga raw siyang siyam na puti't siyam na itim "Meow"
sabagay sa bintana namin sa labas siya'y nakasampay
nanlilisik ang mga mata't iyong "S" niya sa noo'y kanyang taglay

naku! si Ano'y nasagasaan na minsan ng tricycle at nabundol ng trak
sagana rin sa dakdak "Meow" nakaraos din sa heart attack
siyam na buhay meron daw siya't sagana sa matapang na kape't yosi
minsan nalaglag galing sa bubungan "Meow" sino ang lashing? nosi?

o bakit ganyan na lang ang iyong titig at gusto mong gayahin ang lakad ko

nag-aral ka naman kay Cora Doloroso't ito'y natural O pagmasdan mo
kay ganda naman ng iyong baro't ganito ka dapat maglakad sa entablado
kay pula ng iyong labi't mataas ang iyong sapatos "Meow" hangang-hanga ako

"Meow" sige ka't kakalmutin kita ng aking matatalas na kuko

mabagsik ang talsik mo lumalaway at nakakasakit ka na O Ano?
sa loob ng piramid ay ililigaw kita't para akong others kung ituring mo!
huwag ka ng magpaikot-ikot at parang hindi ka maihi't paiba-iba ng puwesto

hello, Kitty at ikaw ay laging nakadungaw sa bintana't kita mo ang kanyang torso
ang mga mata ni Max ay nangungusap at kung makatingin ay tagos hanggang buto
ikaw ay laging nanggigigil "Meow" at siya'y palundag-lundag at nag-eehersisyo
torn! handa ka bang makipag-agawan ng tinik sa iba't "Meow" ikaw ay inlababo!

gusto mo rin ba ng gatas? gusto mo ng siopao bola-bola o asado?

gusto ko iyang himas mo "Meow" naglalambing ka na naman sa tabi ko
naglaro ako kangina sa berdeng tuwalya mo't halatang pagod ka na Amo
matulog ka na "Meow" gusto ko ng Ligo't nagustuhan mo ba ang kuwento ko?


"That which does not kill us, makes us stronger." - Friedrich Nietzsche, German Philosopher
"iyo na ang balahibo't hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ito nangyayari
basta't ikaw ay nasa paligid lang at abot ka ng aking pakiramdam pati
biglang naghahabol ako ng hangin at nagsisikip ang aking paghinga
kailanman ay hindi tayo magkaulayaw ngunit "Forever Faster" ang ating drama"




Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat