GUMAMELA UMBRELLA

magandang umaga bayan at nakaupo ako sa hapag kainan
bumangon na rin ako't nadinig ko kasi ellah eh eh umuulan
heto't nakaharap ako sa aming balkon at sa may salaminan
kitang-kita ko ang muta? este ang hampas ng hanging amihan

sumasayaw nga ba ellah eh eh ang mga bulaklak ng gumamela
sila'y nagchachacha sa Bocaue at ngayo'y sa tugtog ni Rihanna
ellah eh eh kamusmusan ko tuloy sa Sta.Ana kanan ay aking naalala
"plok plok" ang bagsak ng ulan at "kokorokok" ang manok ay naging tinola

hassle talaga't kj naman O nakakatamad at ang ulan ay hindi tumitila
hanggang matutong magbasa ng komiks at isang Aliwan talaga
mabilis akong bumasa Nosa at ang paborito kong basahin ay si Zuma
ang berde't kalbo na mama't hari ng mga ahas at tatay ni Galema

my childhood bestie Sahlee ay laging naka-ponytail Ohshe is "Hotdog"
umagahan tanghalian at gabihan niya kasi'y laging kanin at hotdog
magkasundo kami sa maraming bagay ellah eh eh katulad ng Sanrio
siya si Twinkle Stars at ako si Melody at titser-titseran ang aming laro

pumitas ako ng dahon ng gumamela't si Hohonday ay may subo pala
palibhasa siya'y matandang isip-bata halika't maghanap tayo ng mutya
iyon bang puting bato't nakatago sa loob ng buhanginang lupa
mapang-asar si Noli't sarap ilubog din sa loob ng boteng may suka

kalokohan na ang mutya sa suka'y lumalaki't pumuputi lamang

kasing puti ng mga ngipin ng dati kong kalaro na si Babylyn
sipain kita ng aking kung fu shoes ellah eh eh at nagtatatawa
si Neneng bungisngis at si Ana Leah ay magaling sa sungka

nakakasilaw din ang mga mapuputing binti ni Ate Jingjing
laging naka shorts ellah eh eh at sa sayawan siya'y magaling
dahil sa kanya kami'y nanalo sa simbahan "Stars on 45" at winner!
syatong! Itchie Brandy Sonny Ricky at Jojo! Let's volt in! at Mazinger Z!

dinurog-durog ko ang mga dahon at nilubog at nilamutak sa tubig
kailangan ko iyong malapot na katas at madulas..iyon ang aking ibig
dapat kasing lapot ng si..si..si Sonny Pekto ay isang sipunin
kay hahaba ng kanyang pilikmata't may malaking peklat at iyakin

alam nyo bang ang gumamela ay nagdudulot ng sobrang bula?
blow here at blow there O nakakapagpasaya ng kahit sinong bata
walang sawa nga kaming naghahabol ng mga bula't parang mga bola
bubbles here at bubbles there palakihan at palayuan pa ang aming gawa

nakaupo pa rin ako't nadidinig ko ellah eh eh ang tunog ng tubig sa labas
naliligo kami sa may poso nina Lisa't sinasagasa ang tubig at ang lagaslas!
"tayo ng magswimming sa banyo!" ating takpan ang lagusan ng tubig ng damit
tayo ng magmeryenda sa tindahan ni Aling Tessie kahit siya'y medyo masungit 

tik-tak tik-tak ooops! alas siyete na pala't makatayo na't makapagkape
gagayahin ko iyong napanood kong komersyang Nescafe ella eh eh
kapag ganitong umuulan ang gusto kong kainin ay champorado't biko
"pabili ng tira tira Aling Luz" uy! sina kambal Odie at Roger din pala'y nandito

Ito'y aking handog para sa aking mga kababata at mga kalaro sa Sta.Ana kanan, Pateros.

Sahlee,  Jingjing,  Nosa,  Lisa and Ana Leah are my childhood friends.
The Concepcion siblings - Ate Jingjing, Itchie and Brandy with my brother Ricky and sister Chona.
My childhood bestie, "Hotdog" and I.

My brother Jojo and I with "Hotdog" and her brother, Sonny.


After so many years, my brother Jojo, Itchie (in stripes) and I had fun again and talked endlessly about our childhood days on my birthday, May 18, 2011 at the Meridien Terrace Village in Dubai. That was the last time too, we saw Itchie. (R.I.P.) 


Our Kindergarten class with our teacher, Ms. Mariano (R.I.P.)
at Sta. Ana (kaliwa), Pateros. I am sitting beside Leah Catherine. 
Hello there,  former classmates!


Siya ang magaling sa sungka! Thank you very much, my kababata, Ana Leah. 



Ana Leah is holding my first #EBIGAN book! Thanks and I miss you much!


Thank you very much to my kababata, Leah Catherine for the tour in our hometown, Pateros with my first book, #EBIGAN.  Leah Catherine is also one of Pilya Bloggers with her "Leah's Foto Lingo" in Pilya Blog Magazine.



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat