TRADING GUAVAS

Happy Labor Day! Ito'y para sa lahat ng Manggagawang Pilipino sa buong mundo

tanghali na! dali't darating na si Aling Munte
kami'y suki't siya'y payat at maliit na babae
maitim ang nguso't siya kasi'y chain smoker
sa pagkutkot ng ingrown siya'y perfect at hustler


si Mang Tayo naman ay mataas at isang manghihilot
lahat ng masakit at bali sa tadyang o likod at paa'y kanyang nagagamot
ang galing niyang magmasahe't may x-ray vision sa naipit na ugat
gamit niya'y langis ng niyog at isang kaha ng Champion ang katapat


si Aling Tessie ay ang aming malambing na kapitbahay at tindera
Chippy o Chiz Curls at Sarsi o Mirinda at iba pa ang kanyang paninda
puwedeng umutang ngunit hindi dapat magtagal ang bayad at lagot kang bata ka
may paulit-ulit na sermon at hindi ka na mauulit kumuha ng sitsirya


si Mang Pepe ay nangitim na sa kapapa-araw at may siyam na anak yata
sa umaga'y nagtitinda ng aming paboritong taho't masipag na ama
sa hapon siya'y nagbabalik gaya ni Hohonday kapag oras na ng meryenda
mainit na karyoka o kamote-q ang kanyang dala-dala't ubos ang aming barya


minsan nga'y may mga hindi kalimot-limot na manghihilot at manikurista
sila'y mga tindero't tindera ang aking mga kinagisnan noong ako'y bata pa
akala ko ang buhay ay simple lamang kapag ang tao'y nagbabanat ng buto
"pipitas at papapak ng bayabas at didighay at magpapahinga sa itaas ng puno"


isa na akong palaboy na negosyante't takot pa rin sumakay sa eroplano
sipag at tiyaga't panalangin at sangkatutak na lipstick ang puhunan ko
mayroon din kumplikasyon habang may pana't patan sa kalakal ko
sa hindi pagkakaintindihan ay lulunok ng laway at dapat ang emosyon ay kontrolado


ngunit bilang isang ina't asawa'y ito ang pinakamamahal kong “trabaho”
isa rin akong manikurista ng aking mahal na esposo
manghihilot din ako ng dibdib at gamit ay Dragon Balm sa mga anak ko
ito'y gaya ng matamis na karyoka't taho't dagdagan mo pa Pepe ng arnibal at sago


ito'y alay ko sa aking mga sponsors at sila'y nagtitiwala sa mga gawain ko
mabuhay ang OFW! ang lahat ng Manggagawang Pilipino sa buong mundo
salamat sa inyong Balikbayan box at remittance "eat &look good, feel good" ang motto
patnubayan kayo ng Diyos sa inyong paglalakbay at tumama na sana tayo sa lotto



Thank you very much. Vielen Dank. Maraming Salamat Po!




The Filipino-German Lifestyle Magazine.
"It's time now to read without missing home.
"That's PILYAMAZING!



Our trading company in Germany


Maraming salamat, Tita Mila, Stella and staff. 

Maraming salamat po, Mr. & Mrs. Bellie Kirschner. 

Maraming salamat, Ate Adora Paprotka.

Maraming salamat Ate Rosalinda.

























































Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat