FITTING MY OWN SKINNY JEANS

nay, nakapagpasya na nga ako't sasama sa mga kaibigan ko
tay, pansamantala lamang at ako’y maninirahan na sa dormitoryo
kasi naman magmula sa bahay at patungong kolehiyo
inaabot ako ng siyam-siyam sa biyahe't ilang oras din ang layo ko

ang aking dormitoryo’y maliit lang o simple't may kamurahan
isa syang lumang bahay at may dalawang palapag ngunit malapit sa aking eskwelahan
ayos! hindi ko na kailangan sumakay pa't pwedeng lakarin na lang
malaki ang aking matitipid at oras ko’y hindi pa masasayang

ang mga kaibigan ko’y cool at si Jap ay taga Bataan
kami’y pareho ng kurso't sya’y palakain ng sitsirya't sa iskul ay may samahan
si Rose naman ay taga Mindoro't lagi syang naka Levi’s na pantalon
kaya lang panikera sya't nerbyosa rin at laging nagtatatalon

kami ngang tatlo, si Jap, Rose at ako'y natutulog sa isang silid
suma tutal iyon ay pang-apatan at ako’y nakapuwesto sa gilid
unang gabi’y hindi ako makatulog at si Jap ay nagbabasa
si Rose ay namamalantsa pa ”pwede bang patayin ang ilaw na?”

sa umaga’y may schedule ang pagpaligo
bilin ng kasera'y “heto ang listahan at tig-kalahating minuto lang kayo”
kapag ikaw ay lumampas ng paggamit ng banyo
yari ka't kakabugin ka sa pinto ng susunod sa iyo

ang kusina’y kailanman ay hindi ko nagamit
bukod sa wala akong hilig magluto't ito kasi'y maliit
ang tanging nagagawa ko'y mag-init ng tubig
doon kami kumakain sa aming suki't masarap kasi doon ang sisig

ang sala sa gabi’y animo'y sinehan
mga kadorm nami’y mahilig manood ng pelikulang ewan
kadalasan ay wala na kaming mapwestuhan
kaya sa labas doon kaming tatlo’y nagkwekwentuhan

sa dormitoryo nami’y may curfew at hanggang alas diyes lamang
kung araw ng may pasok at kapag weekend ay hanggang alas dose naman
dapat may sarili kang susi't wala sa iyong sasaklolo
kahit ang kasera’y natutulog sa ilalim ng hagdan hindi nga, totoo!

sa aming dormitoryo’y bawal pumasok ang mga lalaki
wala rin akong nakitang pumapasok kahit syoki
sabi kasi ng kasera’y gusto nya’y tahimik walang gulo
bawal din ang magpaparty at Biyernes Santo ang dating ng kaarawan mo

sa dorm na ito’y malas mo kapag may nanliligaw sa iyo
ang “delivery” para sa iyo'y dapat babantayan mo
minsan akong naliligo't may sumigaw ng “delivery”
ang mga bulaklak na rosas ay lumipad at lumanding sa ulo ko't wala man lang "sorry"!

minsan ay mayroon din sa aking pabigay na mga balut at isang gabing masungit
nang aking dinatnan ay may nakalakip pang note at dito'y nakadikit
“I received these 4 you, we ate 2, thank you” wow! ito ba’y sakit?
hindi ko naman kilala kung sino ang nagbigay at kumain e bakit pa ako magagalit?

iyan nga ang aking buhay dormitoryo't naranasan ko ng isang taon
natapos din ang aking pag-aaral at salamat sa magandang pagkakataon
kami namang magkakaibigan ay luhaang nagpaalamanan na may tensyon
mula nang ako’y mangibang bansa'y wala na ako sa kanilang dalawang komunikasyon

"To Irene "Jap" Bagtas and Rosemarie Maramot, I am not giving up."




"BUHAY DORMITORYO"
YOU CAN BUY MY #EBIGAN BOOK HERE



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat