SAYING YOU WOULD 'STAY'

tumakas nga lang ako at di nagpaalam,
sobra naman pala ang lakas ng ulan,
madaming tao, ang haba pa ng lalakaran,
pagdating ko sa Pasig-Santolan,baha na pala,hanggang baywang.


ngayo’y nakatayo ako sa gitna ng kalsada,
tutuloy ba ako o babalik na lang kaya,
pero hindi at talagang gusto ko silang makita,
sige ako’y lalakad na kahit basang basa na.


habang naglalakad nakita ko’y mga maiingay na bata,
tuwang-tuwa sa paglalangoy sa maduming baha,
hiyaw na nga ng hiyaw ang inyong mga nanay,alis na,
padating pa’y tinutulak na tricycle,bilis takbo na!


salamat naman, konti na lang at malapit na ako,
sobra na ang ngiti ko’t bahay namin ay natatanaw ko,
habang papalapit, nakita ko si Denden sa labas tinatawag ako,
kasama si Francis-syoki,palundag lundag,nagsasayaw sa ulan,ang tuwa ko.


Pero teka habang ako’y papalapit, naisip ko magkakilala ba sila,
hindi ko kasi naalala kahit saglit kung sila’y saan nagkita,
pero sila’y nag-uusap parang dating magkakilala,
“hoy saan kayo pupunta?” naghabulan,nagpakalayu-layo pa.


ito nga ang aming lumang bahay sa Sta. Ana,
pero teka, hindi ba’t ito’y matagal ng giniba na?
o ayun pa si Hohonday, may subong dahon at nagagalit sa kalsada,
hahaha!saan na naman kaya sya buong araw naglakad at naggala?


makapunta nga sa bahay ng nanay ko sa dulo,
lalakad na lang ako, dumaan muna kaya ako sa bahay ni Sangko?
hmmm,sarado ang garahe at mukhang walang tao,
“sa’n punta?”ang bati ni ano?sa katabing tindahan,lagi akong binibiro nito.



biglang dumaan at tumigil ang sasakyan ng tatay ko,
“bilis, sakay na at may susunduin pa ako,”
“ito naman laging nagmamadali, teka lang,” ang sabi ko,
paglagpas namin ng sementeryo, e bakit Walmart ang nakita ko?


nasa LA na pala ako, maya-maya’y sa Walmart,lumabas ang tita ko,
“hehehe, nasa tamang oras ako ngayon, eto para sa iyo.”
inabot nga sa akin ang isang supot, ano kaya ang laman nito,
sa loob ay may mga kalamansi,tilapia,talong at buro.


ayos!ang aming tanghalian nito.gagawa ako ng sawsawan, sili’t toyo,
pababa na nga kami ng kotse,nadinig ko ang aking asawa,tinatawag ako,
“Darling,wake up you are dreaming.”huh?nguni’t parang totoo,
nasa kwarto nga ako,sayang panaginip lang pala,nanghihinayang ako.


bakit kaya minsan ang aking panaginip ay weirdo,ganun din ba sa iyo?
kung saan-saan ako nakakarating,kung sinu-sino ang nakakasama ko,
malamang sila’y nagpapa-alala lang sa akin o sila’y naiisip ko,
kasi sila’y ganun din parang dati,parang buhay na buhay sa aking mundo.


HAPPY EASTER TO ALL!



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat