ROMANCING MY STUDIES

naalala ko lang ang aking kamusmusan,
sa paaralang Katoliko, ako nakapag-aral,
maguumpisang magdasal ng rosaryo sa umaga,
patakbo takbo na pagkatapos ng eskwela.

minsan na rin naging isang teacher's pet,
meron din merit cards pero di ako naging paborit,
ng isang teacher sa matematika, na parang tigre,
mga mata nya'y nanlilisik na parang b'witre.

marunong akong kumumpas-bayang magiliw,
national anthem, i'm a volunteer, sisiw!
pinahiya rin ako ng isang kaklase kung tawagin ko'y kapre,
nahampas ko sya ng walis, grabe!

nun highschool, sitwasyon ng pamilya ko'y palaboy,
paiba-iba ng school at ng haybol,
gusto ko ng magconcetrate sa aking studies,
may pangarap na ako't mga dreams.

humataw nga ako nun highschool, ika 3 hanggang 4 na taon,
naging valedictorian,salamat sa magandang pagkakataon,
buta man ang aking prom at lovelife,
ok na rin at sure ako'y may college life.

2 taong scholar ako sa kolehiyo,
sa sikat na institusyon ng pagiging inhinyero,
inabot naman ako ng katakut-takot na problema,
personal man o pamilya, higit na ang pera.

sa madaling sabi'y nakick-out ako,
expected ko na rin at ako'y talagang hirap,
pero ipagpapatuloy ko ang kurso ko,
bagama't hindi ko first choice, kakayanin ko.

nalipat ako sa kabilang institusyon,
tapunan daw ng mga sikat, so what?
gusto kong bumangon at para akong sundalong madaming sugat,
gusto kong makatapos ng ako'y hindi maging pabigat.

natapos ko nga ang aking edukasyon may degree,
i am proud of myself, i made it, i am now free,
gusto kong makatulong sa aking pamilya, i am sincere,
i bring my education, wherever i go, whatever i will be.

kaya payo ko sa mga estudyante, mag-aral kayong mabuti,
tama na muna ang pagpapakyut, matutong magpahalaga
sa inyong pamilya at sarili,
kapag kayo├┐ nakatapos, mas may magandang buhay na naghihintay,
gaano man kadami at kalalim ng pagsubok,keri!



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat