REMINISCING MY LOLA ITANG

itong aking bunso sa Kindergarten nya'y minsan nagkwento
ang kanyang matandang dalaga at  mahinhin na guro
tungkol sa mga adventures ng isang apo kasama sina lola at lolo
kaya naging excited si bunso ako naman ang pinipilit magkwento

ganito anak noong unang panahon meron akong isang lola

kung tawagin namin sya'y Lola Itang Nanay ang tawag ni tatay sa kanya
maliit syang babae at payat mahaba ang kanyang buhok ngunit puting puti na
maliksi siyang kumilos mga mata'y matalas mahina ang kanyang tainga

ang di ko makakalimutan ay isa syang chain smoker
iyong baga pinapasok nya sa ilalim ng dila sya'y hustler!
di kaya sya napapaso oh I wonder
"o tingnan mo apo galeng!" bwahaha trooper!

suot nya'y laging bestida't 60's ang tabas hype!
kapag sya'y naglalakbay meron syang bitbit na tampipi type!
sa bulsa nya'y lagi syang may panyo do you know why?
doon nakabilot ang kanyang pera higpit ng pagkakabuhol oh my!

ang kanyang hobby ay maglaro ng baraha
magmula sa Pateros Tondo at Bulacan  may puwesto sya
pag nanalo sya'y sure kang may balato
pag umuwi sya ng maaga sa bahay iiling-iling sya'y talo!

ang nakakatuwa nung ako'y bata pa
meron kaming 2 katulong isang payat at isang mataba
kapag nasa amin si Lola laging umiiyak si mataba
kasi raw malakas syang kumain tumigil daw sya sa kangangata

si payat naman ay nagrereklamo
kasi si Lola raw ay masyadong pakialamera numero uno
sa paglalaba nya raw paggamit ng tubig ay dahan-dahan
at kailangan mga kumot ay almirolan

si lola ay wiling-wili sa panonood ng programa
kaya naman pag nanood ng tv ay super lapit sya
lalo na't kapag ang palabas ay ang kanyang paborito
si Vilma Santos solid fan sya nito

mahilig talaga sya sa showbusiness
nacacaried away sya't apektado ng walang mintis
"apo,wala na pala si Vilma at Romeo Vasquez!"
"e bakit nagagalit pa si Amalia Fuentes?"

si lola'y masarap din magluto siya'y champion!
alam mo ba iyong tinumis from Gapan ang kanyang hamon
pork with white beans sawsawan ay sukang may sibuyas at sili
o di kaya ginisang munggo ang kanyang forte

hay bunso sayang at di mo na makikilala ang aming lola
kung hindi aabutin ka ng kurot at panggigigilan ka
di bale at tingnan mo na lang si tatay o aking Sylvia
kasi ang biruan nami'y para silang pinagbiyak na arinola


WE MISS YOU LOLA!



My cousins Ate Mina, Kuya Boy, Kuya Dante, Winnie and Rommel
with my Tatay, Nanay, Lola Itang, my brothers Jojo, Ricky and I.







Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat