MEETING NORMAN BATES

One way or another, I'm gonna find ya
I'm gonna getcha getcha getcha 
One way or another, I'm gonna win ya



"hello? hellowww?"sino ba ito't ayaw na naman sumagot
the same number na naman at ikaw ay sisimangot
ayaw magpakilala ngunit laging nangungulit
araw-araw ay tawag nang tawag at pinag-iisip ka kung bakit

isipin mo rin lately kung meron kang nakilala

isang estranghero at "mother mother" o may nakaaway ka?
baka naman may napagbigyan ka ng iyong numero
sa trabaho kaya o minsan ay nangailangan ka ng serbisyo

ay oo nga pala't nangailangan ka ng sasakyang rerentahan
siya lang ang sumagot sa iyong tawag at ang mga tao mo'y maglilipatan
nag-arkila ka ng sasakyan sa isang mamang may damit na hamak
pagkatapos mong magbayad sa kanya'y wala ka ng kontak

akala mo lang wala pero meron! meron siyang kakontak
tanungin mo ang iyong sekretarya't siya'y laging nagtatatalak
sa caller mo't baka kailangan mo raw ay sasakyang pang gayak
bibigyan ka raw ng malaking discount at magpaabiso ka lang tiyak!

ngayon nga'y nakakatanggap ka sa kanya ng SMS at wtf! ang sabi mo
"hi" "hello"ako iyong tsuper noong isang linggo..."tc, gudnyt!" Ohno!
hindi mo ba batid na siya'y isang "stalker"at sinusundan ka niyang totoo
he is watching you at sa ayaw mo't gusto'y lumalapit siya sa iyo

ito'y common sa kababaihan at huwag gawin sa iyong ex-lover
iGugel ang kanyang pangalan at aktibidades Oh promise him never!
huwag mo rin ihack ang kanyang email account at ang password ay game over
sundan-sundan ang kanyang fb status at magpakyut nang walang patid sa Viber

ang bagay na ito'y seryoso't isang paraan ng pang-aabuso
hindi ka man taga showbiz ay pwedeng mangyari kahit kangino
Scream!what about your peace of mind and you might be in danger
kwidaw! stalker is deceptive and does not take NO for an answer


karamihan ng stalkers ay loners at sila'y KJ at hindi mo sila mabiro

karamihan din sila'y seloso't katulad ni Robin sa One Hour Photo
may obsessive personality at karamiha'y sa pag-ibig ay bigo 
katulad ni Jennifer sa Single White Female uy! ang galing niya dito

napanood mo rin ba sina Michael at Glenn 1987 at it's a Fatal Attraction

kilala mo ba si Annie Wilkes Misery 1990 at isa siyang obsessed fan
kinalaboso si Paul na isang sikat na novelist sa kanyang tahanan
"pinatay" her favorite "Misery"character at napraning siya't si Paul ay sinaktan

mayroon akong nag-iisang stalker at sa hinaba-haba ba naman ng panahon

mapagpanggap siya't kung sinu-sino ang ginagamit na pangalan at siya'y naghahamon
para siyang sirang plaka't paulit-ulit ang sinasabi't sa nakaraan lang nakatuon
"malayo ang ating agwat at magkaiba ang ating mundo't wala tayong koneksyon"



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat