JUMPING KOKAK

first time ko ngang sasama
naengganyo ako sa aking tiya
balita ko siya'y isang eksperto
sa larangan ng….ooops sikreto!

ako nga ay bagong ligo at nakagayak na
casual look lang naman tiya ok ba?
aba!pero si tiya'y nakasuot ng berdeng-berde
paborito niya raw kasi ang kulay at pampasuwerte

teka baka makalimutan ang ating baon
may sitsirya kanin ulam at sitsaron
may inumin din kaming malamig na Pepsi in can
kung kami ay mauuhaw wala daw kasing mabibilan sa daan

hinatid nga kami ni tatay Hurry sa istasyon ng bus
handa na ang aming mga tiket papasok asus
at ang tsuper na madaldal  ay nakikipagtalo  versus
isang aleng nagrereklamo sabi nya ay “Oh Jesus!”

mahaba-haba rin ang aming biyahe't nakakangalay
paglabas namin sabi ni tiya ako raw ay maghintay
magbabayad lang daw siya doon sa may kasera
binuksan niya ang kanyang Gucci bag kumuha ng pera

habang kami ay naglalakad uy maganda pala rito
maingay nga lang pero gusto ko ang mga ilaw nito
pagkatapos pumasok kami sa napakalaking kuwarto
madaming tao pero may nakalaan na sa aming puwesto

pag-upo ni tiya sabay kindat sobra ang ngiti niya
inilabas niya ang kanyang pentel marker at iba pa
XXL ang mga ito at  may iba’t-ibang kulay
mukhang magpipinta si tiya sa aking palagay

maya-maya ay nilabas na ni tiya ang kanyang pampasuwerte
naexcite naman ako habang panay ang kanyang silip sa supot hehe
ayun nga nilabas niya ang mga...palaka!?totoo nga ba?
palakang may korona maliit at malaking palaka palakang may subong pera

nilatag na nga ni tiya ang kanyang mga “banig”
“game ka na ba?”hiyawan ang mga tao nakakatulig
nag-umpisa na nga ang libangan kahit sa Pinas ay nakakaadik
aba madaming Pinoy na kasali ito ay kapana-panabik

bilin ni tiya,hayun ang sample sa harapan ay gayahin
pero doon ako sa laki ng perang tatamaan nakatingin
“5 figures”,ngayon pa lang iniisip ko na ang aking bibilin
bagong cellphone laptop o akin na lang munang iipunin

basta alam ko na ang gagawin ilang minuto na nga ang lumilipas
tahimik ang paligid iyong mama sa harapan malaki ang mata boses ay paos
wala na akong makita sa aking “banig”,kung hindi iisang butas
ako ay handang-handa na mga mata at tainga ko ay matalas

heto na heto na hawak ko ang aking dibdib isa na lang tawag at ako'y tatama na
biglang sumigaw ang palaka “sa letrang B ocho!”ano raw?hindi ba’t cuatro ang aking puro?sobra!
tapos may humiyaw ng malakas “BINGO!!!”isang nagtatatalon palakang Mexicano
masuwerteng chico hindi hindi maaari ito!imposible!palakang kokak kami ay talo!

San Fernando Valley Bingo, California with Tita Elsa in 2010.




Aaaliyah and I with Tita Elsa(wearing green) and Ate Nunok in LA,2008.





Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat