DATING A MARIA CLARA ONLINE

mga kababayan ko may nagtatanong sa akin
ano ba raw ang opinyon ko sa online dating
sa akin ay walang masama't ok lang para sa akin
basta sundin mo lang ang rules papatok ka rin

sa kasalukuyang panahon ito'y isang paraang modern

makakilala ka ng "dating partner" kahit saan ay open
maging tapat lamang sa iyong status at do not pretend
choose your words huwag mahalay para di masuspend

ang payo ko sa iyo'y huwag kang mananakot
"keep it to yourself" huwag ideclare "I can see ghosts!"
huwag din sabihing minsan kamuntik ka ng maging kriminal
o di kaya ika'y nagpapatreatment may problema kang "psychological"

iwasan din banggitin ang iyong strange beliefs or hobby
you believe in horoscope palm reading at fortune telling
idagdag mo pang itanong ang kanyang zodiac sign Aries?
that according to your "stars" siya na ang iyong destiny

huwag basta magtitiwala at baka makameet ka ng stalkers
maghinay hinay ka huwag ibigay agad ang iyong address
at baka ang balak nya ay kidnapin ka iyan ay hassles
sapilitang irecruit ka nya sa kanyang "white slavery" business


huwag ka rin magbanggit ng iyong sangkatutak na problema

wag mag-alala kung siya'y interasado ibig ka niyang makilala
huwag pagkaisipin sa pagiging tapat ay bibigyan ka ng pera
at sa malamang ang bilis niyang tumakbo parang sa karera

tingnan mo nga naman noong kapanahunan ni Maria Clara
ang Pinay ay di makabasag pinggan at di agad makaporma
ang lalaking nabibighani sa kanyang ganda'ý naghaharana
nagsisibak ng kahoy nagpapaligo ng kalabaw let him suffer muna

ngayon nga'y malaki na ang ipinagbago ng ating mayuming Maria Clara
siya ay isang ganap na moderna't may iphone o bb at laptop na siya
fb, twitter, Instagram account. nag-oonline dating din para makapili siya
isang lalaking maginoo't may hawig man kay Bonifacio o Rizal ay maporma  


karamihan sa ating mga Maria Clara'y bagama't sa pananamit ay moderna

sunod sa uso o palakaibigan sa lahat kahit bansagan pang sosyalera
ngunit sa isip at diwa'y isa pa rin ganap na Pilipina ipinapakita rin natin sa gawa
aalalahanin natin ang ating mga bayani at ang kanilang magandang halimbawa



We are modern Filipinas but in our hearts, we are real Maria Claras. 

Special thanks to Samahan ng mga Pilipino Luxembourg ASBL. 

I was a judge at their Filipiniana fashion show contest which was held on December 6, 2014 in Double Tree Hilton Luxembourg City, Luxembourg. 
Mabuhay po kayong lahat!




Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat