PINOY FREEDOM SUMMER

kalayaan sa tag-init! masipag pa naman akong maglinis
"ang ineet!!"sulong!tagaktak na ba ang iyong pawis
naghihimagsik ang iyong katawan t-shirt ay manipis
tagumpay at 1,2,3,ika-apat na paligo ko na nakakainis


sa Pinas mga neneng, samantalahin ang batya ni nanay

sa paglalaba nya sa may poso ay maligo na rin at makisabay
mga totoy, doon naman kayo sa ilog lumangoy at magpraktis
ako nagjejeling?gusto kong umakyat gaya ng dati sa puno ng aratilis

ang mga bata ay nakahubad na nga at namumuti sa pulbos
hmmmm, amoy bagong ligo ang pakiramdam ni utoy, ubos!
ang cologne gawa nj J&J, gumamit din ng shampoo,nilubos-lubos
Andres!!!!ilabas ang ice candy!oops dali't sundin ang utos ni boss

itong si lola, hindi nangangawit sa kapapaypay
meron po tayong bentilador, ilalabas ko,hintay!
naku,wag ka ng mag-abala sa bentilador ako'y giniginaw
dito lang ako at hinihintay ko iyong dadaang magpapalitaw

meryenda time na, gusto ko ng halo-halo
o di kaya saging con yelo,mais con yelo
doon sa may simbahan may inutak con sorbetes
kakain din ako sa panaginip ng maraming beses


dito rin sa Alemanya biglang uminit ako ay lupaypay

sobrang init naghahanap ako ng abanikong pamaypay
nagbabad ako sa malamig na tubig di ako mapalagay
para akong isang sirena o tilapiang nahuli sa Laguna de Bay

super init nga mga kababayan ko,kaya Pinoy keep it cool
uminom ng madaming tubig, wag naman sa swimming pool
we are experiencing climate change,sabi ni titser sa school
keep calm,chill out,wag paakyatin ang init sa ulo,play it cool
likey mo ba ang aking hairdo?pendong kalbo don't be uncool





My Cando Family

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat